^

Bansa

Kahit expired na ang kontrata, OceanaGold 'tuloy sa operasyon' — environmental group

James Relativo - Philstar.com
Kahit expired na ang kontrata, OceanaGold 'tuloy sa operasyon' — environmental group
Kuha ni Nueva Vizcaya Governor Carlos Padilla kasama ang ilang environmental groups na tutol sa pagmimina ng OceanaGold sa kanilang probinsya.
Facebook/Carlos M. Padilla

MANILA, Philippines — Binanatan ng mga militanteng environmentalist ang diumano'y patuloy na pagmimina ng kumpanyang OceanaGold Phlippines, Inc. kahit napaso na ang Financial and Technical Assistance Agreement nito noong Miyerkules.

Sa isang pahayag Lunes, sinabi ng Kalikasan People’s Network for the Environment na hindi pa rin daw tumitigil ang kanilang mga operasyon sa Kasibu, Nueva Vizcaya.

"We condemn the continuing mining operations of Oceanagold despite its FTAA contract expiration," sabi ni Leon Dulce, national coordinator ng Kalikasan PNE.

(Kinukundena namin ang patuloy na pagmimina ng Oceanagold sa kabila ng expiration ng kanilang FTAA contract.)

Ibinibigay ng gobyerno ag FTAA sa mga contractor para sa "large-scale exploration," pagpapaunlad at paggamit ng ginto, tanso, nickel, chromite, lead, zinc at iba pang mineral.

Nauna nang nanawagan si Nueva Vizcaya Gov. Carlos Padilla kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Department of Environment and Natural Resources na panagutin at harangan ang renewal ng FTAA ng OGPI, na tinawatag niyang "mapaminsala."

"I will exercise the full powers of my office to strictly implement the Environmental Code of Nueva Vizcaya," sabi ni Padilla sa isang pahayag.

(Gagawin ko ang lahat para mahigpit na maipatupad ang Environmental Code ng Nueva Ecija.)

"That is the severe suffering of the people in Didipio and there was no consultation with them prior to an extension and expansion of OceanaGold's explorations and therefore it should be terminated immediately."

(Nandiyan ang matinding pagdurusa ng mga taga-Didipio at walang konsultasyon sa kanila bago pa ang pagpapalawig at pagpapalawak ng paggalugad ng OceanaGold kaya dapat itong putulin agad-agad.)

Ayon sa ulat ng The STAR, umabot na sa P20-bilyong pinsala sa mga palayan, watershed, kabundukan at mga komunidad ng Nueva Vizcaya ang idinulot ng OGPI.

Sa advisory na inilabas ni Padilla noong ika-20 ng Hunyo, ipinaalala ng gobernador na dapat tumigil sa operasyon oras na mapaso ang kontrata alinsunod sa Section 19.1 ng FTAA ng OceanaGold.

"OceanaGold clearly violates the recent legal directives of the Vizcaya provincial government to restrain its mine operations," dagdag ni Dulce.

(Malinaw na nilabag ng OceanaGold ang mga panibagong direktiba ng lokal na gobyerno ng Vizcaya na itigil ang kanilang mga pinaggagagawa.)

Inudyok naman ng Kalikasan PNE ang Mines and Geosciences Bureau at DENR na bawiin ang kanilang pag-endorso ng FTAA ng kumpanya sa Office of the President.

Taong 2018, sinabi ni Duterte na "pinag-iisipan" niyang itulak ang tuluyang pagbawal ang pagmimina sa Pilipinas pagkatapos ng 2019 elections.

Renewal ng FTAA 'nasa kamay ni Duterte'

Nitong Biyernes, kinumpirma naman ng MGB na naghain na ng FTAA renewal ang mining company bago pa mag-expire ang kontra nito noong ika-20 ng Hunyo.

"It's now up to President Rodrigo Duterte regarding the application for the FTAA renewal of OGPI after this was already endorsed by our Department through Secretary Roy Cimatu," sabi ni MGB director Mario Ancheta sa Santiago City.

(Nasa kamay na ni Presidente Rodrigo Duterte [kung papayagan] pagdating sa aplikasyon ng FTAA renewal ng OGPI pagkatapos itong iendorso ng aming departamento sa pamamagitan ni DENR Secretary Roy Cimatu.)

Hinihiling na rin daw ng OGPI na maipagpatuloy nila ang kanilang operasyon habang hinihintay ang tugon ng pangulo.

Inaasahan naman daw ng MGB na sumunod muna ang OGPI sa suspensyon ng mga operasyon alinsunod sa expiration ng FTAA.

"As of now, we are still waiting for the decision whether to allow them to continue their operation in the mine site while their FTAA renewal is still pending," dagdag ni Ancheta.

(Sa ngayon, hinihintay pa namin ang desisyon kung papayagan silang magpatuloy sa minahan habang hindi pa nare-renew ang FTAA.)

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

KALIKASAN PNE

LARGE-SCALE MINING

OCEANAGOLD

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with