^

Bansa

Hindi ako takot sa China! - Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Hindi ako takot sa China! - Digong
Nilinaw din ng Pangu­lo na ang naganap na insidente sa Recto bank noong June 9 ng mabangga ng Chinese fishing vessel ang fishing boat na lulan ang 22 Pinoy ay isang maritime incident.

ANILA, Philippines — Iginiit kahapon ni Pangulong Duterte na hindi ito takot sa China gaya ng nais palabasin ng kanyang kritiko kaugnay ng Recto Bank incident.

“Hindi ako takot sa China. Takot ako na baka walang laban, walang kalaban-laban tayo. At baka tayo maubos,” wika ng Pangulo sa mensahe nito sa oath taking ng kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Sebastian Duterte.

Nilinaw din ng Pangu­lo na ang naganap na insidente sa Recto bank noong June 9 ng mabangga ng Chinese fishing vessel ang fishing boat na lulan ang 22 Pinoy ay isang maritime incident.

“That is a maritime incident or accident. Parang bungguan ‘yan sa highway. It is not a confrontation of armed men and machines or ships,” paliwanag pa ng Pangulo.

Aniya, hindi naman pag-atake sa soberenya ng bansa ang nangyari kundi maritime accident.

“China says kung kasalan nila magbayad sila. Why do we have to go into a convoluted argument,” dagdag pa ng Pangulo.

“It is not an attack on our sovereignty, Malayo ‘yan,” dagdag pa ng Pangulo.

CHINESE FISHING VESSEL

RECTO BANK INCIDENT.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with