^

Bansa

Hindi tinakot ng gobyerno ang mga mangingisda, giit ni Piñol

Philstar.com
Hindi tinakot ng gobyerno ang mga mangingisda, giit ni Piñol
Dagdag niya, “That is unfair to well-meaning people in government right now.”
Facebook/Manny Piñol

MANILA, Philippines — Itinanggi ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol noong Huwebes na tinakot ng gobyerno ang 22 mangingisdang sangkot sa insidente sa Recto Bank noong ika-9 ng Hunyo.

“Let me just correct the impression that there was any attempt on the part of the government or this administration to intimidate the fishermen to change their story or come up with a lie that if favorable to government,” sabi ni Piñol sa isang panayam sa DZMM.

(Itatama ko lamang ang impresyon na nagtangka ang gobyerno o ang administrasyon na takutin ang mga mangingisda na baguhin ang kanilang kwento o magsabi ng kasinungalingan na pabor sa gobyerno.)

Dagdag niya, “That is unfair to well-meaning people in government right now.”

(Hindi ito patas sa mga may mabubuting-loob sa gobyerno ngayon.)

Sa orihinal na kwento ni Junel Insigne, kapitan ng lumubog na bangka, sinabi niyang sinadya silang banggain ng Chinese fishing vessel.

Sabi niya sa panayam ng ABS-CBN, “Sinadya po ‘yon, dahil kung hindi ‘yun sinadya dapat babalikan kami, tutulungan.”

Ngunit nang sumabak sa isang televised press conference noong Miyerkules, sigurado na lamang ito na sadyang iniwan sila.

“Yun lang talagang sinadya nila, ‘yung pag-iwan po sa amin,” aniya.

Bago pa bumisita sa mga mangingisda si Piñol, nauna nang makipagusap sa kanila si Energy Secretary Alfonso Cusi.

Bakit pribado?

Kaiba sa sinabi ni Piñol, iginiit ng militanteng grupo ng mga mangingisda na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas ngayong araw na tinakot ang 22.

Ani PAMALAKAYA national chair Fernando Hicap: “He forced the fishermen to have a settlement in behalf of China by using intimidation, deception, and public-funded government assistance to pacify their anger.”

(Pinilit niya ang mga mangingisda na magkaroon ng kasunduan sa China para sa interes nito gamit ang pananakot, panlilinlang, at mga pinondohan ng gobyerno na tulong para mapigilan ang kanilang galit.)

Kinwestyon din ng PAMALAKAYA ang "kaduda-dudang" pagiging pribado ng pulong at pagkakaroon ng presensiya ng mga pulis doon.

“Why would it have to be a closed-door [meeting] in the first place and surrounded by elements of police in a full anti-riot gear,” bigkas ng grupo.

(Unang-una, bakit kailangang pribado at napapaligiran ng mga polisya na nakasoot ng buong anti-riot gear.)

Itinuro kung anong sasabihin?

Napansin din ng ilan na sa ibang parte ng press conference ay nakita si Piñol na tinuturuan si Insigne sa kanyang isasagot sa ibang katanungan.

Ani Piñol sa panayam ng BusinessWorld, “Kaya nga ang pinakamaganda, i-frame ko lang ang sinasabi niya. Ang sinasabi niya, nasabi niya na sinadya silang banggain sa sama niya ng loob na dahil iniwanan sila.”

Sa isang tweet ni CMFR executive secretary Luis Teodoro na isa ring propesor noong Martes ay tila hinulaan nito ang mga susunod na mangyayari.

“The media should point out that Agriculture Secretary Pinol was sent not only to intimidate the fishermen into changing their narrative about the sinking of the F/B Gem-Ver fishing boat; he was also practically putting words into their mouths,” sabi niya.

(Dapat ipunto ng midya na hindi lang pinadala si Agriculture Secretary Piñol para takutin ang mga mangingisda para baguhin ang kanilang kwento tungkol sa paglubog ng bangka nila pangisda na F/B Gem-Ver; sa totoo lang naglalagay na siya ng salita sa bibig nila.) — Philstar.com intern Gab Alicaya

CHINA

MANNY PIÑOL

RECTO BANK

TERRITORIAL DISPUTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with