^

Bansa

Term-sharing sa speaker kinontra

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon
Term-sharing  sa speaker  kinontra
Sinabi ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na sa tingin niya ay hindi magandang ideya ang sinasabi ni Cayetano at madali lamang itong sabihin kaysa gawin.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Mariing tinutulan ng mga beteranong kongresista ang panukala ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano na term-sha­ring agreement para sa speaker ng Mababang Kapulungan.

Sinabi ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na sa tingin niya ay hindi magandang ideya ang sinasabi ni Cayetano at madali lamang itong sabihin kaysa gawin.

Paliwanag pa ng beteranong kongresista, hindi maganda para sa Kamara ang term sharing position sa ibang kongresista dahil mawawalan ng continuity at deliberasyon para sa mga panukalang batas at maaari itong mabinbin.

Sa madaling salita umano, ayon kay Pimen­tel mawawalan ng stabi­lity ang liderato ng Kamara at hindi maganda para masuportahan ang legislative agenda ng Pangulo.

Para naman kay Bu­hay Rep. Lito Atienza, hindi praktikal at hindi magi­ging epektibo ang term sharing sa speakership.

Paliwanag pa niya, ang dapat ay bumoto ng isang speaker ang mga kongresista na susuportahan nila sa loob ng tatlong taon.

Nauna ng sinabi ni Atienza na mas gusto niya ang bata at bagong pangalan para sa susunod na speaker ng 18th Congress.

ALAN PETER CAYETANO

JOHNNY PIMENTEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with