^

Bansa

Pamilyang tinitignan ang sariling mahirap 'record low,' sabi ng SWS

James Relativo - Philstar.com
Pamilyang tinitignan ang sariling mahirap 'record low,' sabi ng SWS
Ito'y apat na puntos na mas mababa sa dating record-low na 42% noong Setyembre 2016 at Marso 2018.
The STAR/Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Lumalabas na 38% o 9.5 milyon ng mga pamilyang Pilipino ang tinitignang mahirap sila sa unang kwarto ng 2019, sabi ng Social Weather Stations kagabi.

Ito'y apat na puntos na mas mababa sa dating record-low na 42% noong Setyembre 2016 at Marso 2018.

"The new record-low Self-Rated Poverty score is a continuing recovery from the 10-point rise within the first three quarters of 2018," sabi ng SWS.

(Ang bagong record-low ay bahagi ng pagbawi mula sa 10-puntong pag-akyat sa unang tatlong kwarto ng 2018).

Pinakamababa rin sa kasaysayan ang mga itinuturing ang sariling pangmahirap ang kinakain o "food poor" sa 27%.

Mas mababa ito ng dalawang puntos mula sa dating record-low na 29%.

Ginamit bilang self-poverty threshold ang P10,000 o ang buwanang kita na kailangan para hindi matawag na mahirap ang sarili.

Isinagawa ang pag-aaral mula ika-28 hanggang ika-31 ng Marso 2019 gamit ang harapang panayam sa 1,440 katao.

Kumuha ng 360 respondents mula Balance Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao.

15.3% pamilya 'umahon sa kahirapan'

Sa mga pamilyang hindi ipinapalagay ang sarili bilang mahirap (62%), lumalabas na 15% sa kanila ang mahirap isa hanggang apat na taon pa lang ang nakalilipas.

Lumalabas naman sa pag-aaral na 20% sa kanila ay mahirap limang taon pataas ang nakalilipas.

Bumaba sa lahat ng lugar

Nakitang bumaba ang self-rated poverty sa lahat ng lugar ng bansa, at record-low din sa Mindanao.

Ngayong Marso 2019, umani ng 35% sa Balance Luzon, 28% sa Metro Manila, 55% naman sa Visayas at 37% naman sa Mindanao.

Mas mababa ng isang puntos ang nakuha ng Mindanao sa dati nitong all-time low na 38%.

Bumaba rin ang food poverty sa lahat ng lugar, kung saan record-low sa Mindanao at Balance Luzon.

SELF-RATED POVERTY

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with