^

Bansa

‘Bangkang pangisda i-modernize na’

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon
‘Bangkang pangisda i-modernize na’
Sinabi ni Vargas, isa sa mga may-akda ng Republic Act 11321 o ang pagtatatag ng Farmers and Fisherfolk Enterprise Development Program sa Department of Agriculture (DA) na mas mainam na malagyan ang mga fishing vessel ng satellite phones, transponders para sa search and rescue, automatic identification, global positioning system (GPS), at iba pang portable electronic devices na makakapag-ere ng distress signal.
Cesar Ramirez

MANILA, Philippines — Nanawagan sa administrasyong Duterte si Quezon City Rep. Alfred Vargas na magpatupad na rin ng modernization program sa mga bangkang pangisda at mga passenger ships para mamonitor ito sakaling magkaroon ng emergency sa laot.

Sinabi ni Vargas, isa sa mga may-akda ng Republic Act 11321 o ang pagtatatag ng Farmers and Fisherfolk Enterprise Development Program sa Department of Agriculture (DA) na mas mainam na malagyan ang mga fishing vessel ng satellite phones, transponders para sa search and rescue, automatic identification, global positioning system (GPS), at iba pang portable electronic devices na makakapag-ere ng distress signal.

Paliwanag ng kongresista, maaari umanong magpalabas ng administrative order ang MARINA at BFAR para sa acquisition ng mga naturang gamit.

Para naman sa mga maliliit na bangkang pa­ngisda, maaaring dumulog ang mga mangingisda sa DA at sa Cooperative Development Authority para sa funding ng mga gamit.

Base sa datos ng BFAR, 81,000 ang fishing vessels sa buong bansa, 7,000 ang rehistrado habang kalahati dito ay mga malaliit na bangkang pangisda.

Ginawa ni Vargas ang panawagan matapos na banggain ng Chinese vessel ang FB/ GemVer 1 kung saan lulan ang may 22 mangingisda at iniwan sa laot na palutang-lutang noong Biyernes ng gabi.

ALFRED VARGAS

FARMERS AND FISHERFOLK ENTERPRISE DEVELOPMENT PROGRAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with