^

Bansa

Bagong MWSS chief itatalaga

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Bagong MWSS chief itatalaga
Papalitan ni Gen. Salamat si retired Gen. Ricardo Morales bilang MWSS administrator na unang itinalaga ng Pangulo noong Mayo 24 kapalit ni MWSS Administrator Reynaldo Velasco na ginawang chairman ng board of trustees. Nakatakdang magretiro si Gen. Salamat sa July 15.
Cherie Joyce V. Flores/PIA 3

MANILA, Philippines — Itatalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong administrator ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang magreretirong Northern Luzon Command (Nolcom) chief na si Lt. Gen. Emmanuel Salamat.

Inihayag ito ni Pangulong Duterte sa 121st anniversary ng Philippine Navy kamakalawa sa Sangley point Cavite City.

Papalitan ni Gen. Salamat si retired Gen. Ricardo Morales bilang MWSS administrator na unang itinalaga ng Pangulo noong Mayo 24 kapalit ni MWSS Administrator Reynaldo Velasco na ginawang chairman ng board of trustees. Nakatakdang magretiro si Gen. Salamat sa July 15.

Ang dating chairman of the board of trustees ng MWSS na si Franklin Demonteverde ay irerekomenda naman umano ni Pangulong Duterte upang maging miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC).

Magugunita na nagalit ang Pangulo sa nangyaring krisis sa tubig noong Marso at Abril sa Metro Manila at Rizal province hanggang magbanta itong sisibakin ang nasabing mga opisyal.

EMMANUEL SALAMAT

METROPOLITAN WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with