^

Bansa

Corregidor walang turista kaya lugi

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Corregidor walang turista kaya lugi
Ayon sa COA, ang kawalan ng imprastraktura, karagdagang atraksyon, kawalan ng promosyon at kakulangan ng pondo kaya bigo ang isla na ma­ging potensyal sanang tourist destination na resulta naman ng pagbaba ng operasyon nito.

MANILA, Philippines — Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang Corregidor Foundation, Inc (CFI) dahil sa kabiguan nito na gawin ang isla bilang isang tourist destination.

Ayon sa COA, ang kawalan ng imprastraktura, karagdagang atraksyon, kawalan ng promosyon at kakulangan ng pondo kaya bigo ang isla na ma­ging potensyal sanang tourist destination na resulta naman ng pagbaba ng operasyon nito.

Kung mayroon man umanong plano ang CFI para sa development ay hindi naisagawa sa loob ng limang taon simula 2014 hanggang 2018.

Iminungkahi naman ng COA ang pagpapatayo ng mga bagong atraksyon sa Corrigidor sa pamamagitan ng pagpapaganda ng museum, mini parks, golf course, game rides, land and water recreational at relaxation facilities at pagdagdag pa ng mga bagong hotels, restaurants o food parks at ferries para sa transportasyon.

Giit ng COA, dapat gayahin ng CFI ang Sentosa island sa Singapore, na dating British military base at kampo ng Japanese prisoner of war bilang inspirasyon, ng gawin itong tourist destination noong 1972 na binibisita ng may 20 milyon turista kada taon.

Hindi rin dapat ipaubuya lang sa mga may-ari ng hotel at ferry ang pag-promote ng Corregidor bilang isang tourist destinafion.

Ikinatwiran naman ng CFI na kulang sila sa pondo kaya hindi nila mapaganda at maayos ang Corregidor island.

Ang kakulangan umano ng mga pagdating ng mga turista sa isla kaya nawalan ng P13.29 milyon na kita ang CFI noong nakaraang taon.

Sa datos ng COA, umabot sa 62,000 kada taon simula noong 2013-2017 o 5,200 tourista kada buwan ang dumadating sa isla.

INC

COMMISSION ON AUDIT

CORREGIDOR FOUNDATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with