^

Bansa

DND: Barkong Pinoy nabangga ng mga Tsino sa West Phl Sea, lubog

James Relativo - Philstar.com
DND: Barkong Pinoy nabangga ng mga Tsino sa West Phl Sea, lubog
Nangyari raw ang insidente sa bandang Recto Bank (international name Reed Bank) na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas nitong Linggo.
Wikimedia Commons/Notthebestusername

MANILA, Philippines — Lumubog ang isang sasakyang pandagat na may lulang mga Pilipino matapos diumano banggain ng isang barkong Tsino sa mga katubigan ng West Philippine Sea, pagkukumpirma ng Department of National Defense ngayong Miyerkules.

Nangyari raw ang insidente nitong Linggo sa bandang Recto Bank (Reed Bank) na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Ang insidente, iniulat daw ng ilang Pilipinong mangingisda malapit sa pinangyarihan.

"A collision between a Chinese and Filipino vessel (F/B GIMVER 1) was reported by Filipino fishermen near the Recto Bank in the West Philippine on the evening of June 9, 2019. The collision sank the Filipino vessel," ani Defense Secretary Delfin Lorenzana sa isang pahayag.

(Isang banggaan sa pagitan ng isang Chinese at Filipino vessel (FB Gimver1) ang naiulat ng mga mangingisda malapit sa Recto Bank sa West Philippine Sea gabi ng ika-9 ng Hunyo. Napalubog ng banggaan ang sasakyan ng mga Pilipino.)

Nagsalpukan daw ang dalawa habang nakaangkla't hindi umaandar ang F/B GIMVER 1.

Kilala ang Recto Bank na hitik sa likas yaman gaya ng oil at gas deposits, na pinag-iinteresan din ng Tsina.

'Hindi gawain ng mga tao na responsable at palakaibigan'

Labis namang ikinadismaya ni Lorenzana ang aksyon ng mga Tsino lalo na't iniwan na lang daw ng mga dayuhan ang mga Pilipino matapos madisgrasya.

"We denounce the actions of the Chinese fishing vessel for immediately leaving the incident scene abandoning the 22 Filipino crewmen to the mercy of the elements," dagdag ng kalihim.

(Kinukundena namin ang aksyon ng mga mangingisdang Tsino dahil basta na lang nilang iniwan sa eksena ang 22 Pilipino sa panganib ng kalikasan.)

"This is not the expected action from a responsible and friendly people."

(Hindi ito ang inaasahan naming aksyon mula sa mga responsable at palakaibigang mga tao.)

Nagpasalamat naman ang DND sa mga Vietnamese na nasa lugar na siyang sumaklolo sa 22 Pilipino at ibinalik sila sa Western Command ng Armed Forces of the Philippines.

Nangako ang pamahalaan na magsasagawa ng pormal na imbestigasyon sa nangyari.

CHINESE VESSEL

TERRITORIAL DISPUTE

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with