Mga kulungan overpopulated
Sa dami ng drug cases
MANILA, Philippines — Dahil sa pagtaas na bilang ng mga kaso ng illegal na droga at mabagal na aksyon sa korte kaya over populated na ang mga kulungan sa bansa.
Base sa annual audit report ng Commission on Audit (COA) sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), mula sa ideal capacity ng mga kulungan na 25,268 inmates ay lumobo na ito sa 136,314 noong Disyembre 31, 2018.
Sinabi ng COA na malinaw na paglabag ito sa BJMP Manual on Habitat, Water, Sanitation, Kitchen in Jail at sa United Nations Minimum Standard Rules para sa pagtrato sa mga preso.
Nakasaad sa kautusan ng UN na dapat mapanatili ang mga kulungan sa “climatic conditions” na may tamang tulugan at ventilation, habang sa manual naman ng BJMP ay pinapayagan ang 10 preso kada selda para sa 4.7 square meters na floor area.
Bunsod nito kaya nagbabala ang COA na ang kondisyon ng mga kulungan ay magdudulot ng panganib sa kalusugan ng mga preso na magdudulot naman para pumasok sila sa mga gangs para mabigyan ng proteksyon at benepisyong materyal.
Laganap na umano ito ngayon sa mga highly congested facilities na mga kulungan sa bansa.
Itinuturo ng COA ang nasabing sitwasyon dahil sa pagtaas ng bilang ng drug related cases, mabagal na pag-aksyon sa korte, mga hindi nakakapagpiyansa dahil sa kahirapan at kakulangan ng lupa para pagtayuan ng mga bagong kulungan.
- Latest