^

Bansa

Mag-ingat sa sore eyes – DOH

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Mag-ingat sa sore eyes – DOH
Ito ang payo ni Health undersecretary Eric Domingo ngayong uso na naman ang sore eyes tuwing mainit ang panahon.
DOH Facebook Photo

MANILA, Philippines — Huwag nang pumasok sa trabaho at manatili na lamang sa bahay ang mga may sore eyes upang hindi na maka­hawa pa.

Ito ang payo ni Health undersecretary Eric Domingo ngayong uso na naman ang sore eyes tuwing mainit ang panahon.

Kalimitan naman aniyang gumagaling ng kusa ang sore eyes sa loob ng apat hanggang pitong  araw.

Aniya, hindi naiiwasang naipapasa ang virus dahil sa pagkikipagkamay na ihahawak naman sa mata.

Wala din namang katotohanan na nakukuha ito sa tingin. Kailangan lang ng tamang paghuhugas ng kamay.

Mahalaga din ang kalinisan sa kapaligiran lalo na’t karamihan sa mga Pilipino ay gumagamit ng computer at ballpen na nagkakaroon ng virus. 

Gayunman mas mahalaga pa rin na magpahinga na lang sa bahay kung may sore eyes at lumayo na muna sa ibang tao.

SORE EYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with