^

Bansa

Digong sa mga guro: Antay lang

Rudy Andal, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Digong sa mga guro: Antay lang
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, inatasan na ni Pangulong Duterte ang kanyang economic ma­nagers na maghanap ng pondo para sa sa­lary increase na kanyang pangako sa mga guro.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Humingi ng pang-unawa ang Malacañang sa mga guro kaugnay sa kanilang dagdag suweldo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, inatasan na ni Pangulong Duterte ang kanyang economic ma­nagers na maghanap ng pondo para sa sa­lary increase na kanyang pangako sa mga guro.

Aniya, ipinabatid sa kanya ni DepEd Sec. Leonor Briones na ma­laking pondo ang kakailanganin ng gobyerno upang matupad ang pangakong salary increase na P10,000 sa bawat guro na manga­ngahulugan ng P150 bilyon kada taon.

“Baka gawing ins­tallment, hindi ko alam kung anong mangyayari. But the President really wants to increase the salaries of the teachers. We appeal to our tea­chers since this is a huge amount, haba-habaan niyo lang muna yung pasensya. Hahanap tayo ng pera para sa inyo,” giit pa ng presidential spokesman.

Kinontra naman ni ACT Teachers Rep. Anto­nio Tinio ang pahayag ng Malakanyang na kaila­ngang hanapan ng pondo ang salary increase para sa mga pampublikong guro.

Paliwanag ni Tinio, mayroong pondo dahil ang P95 bilyon na dapat sana ay kasama sa 2019 budget ang na-veto ng Pangulo. Dito umano maaaring kunin ang pandagdag sahod.

Panahon na umano para itaas ang sahod ng mga teachers bukod pa sa matagal na itong pangako ng Pangulo kasunod ng salary increase ng mga pulis.

Dapat umanong ga­wing batayan ang entry level ng mga pulis at militar na P30,000 kada buwan sa magiging buwanang sahod ng mga bagong guro.

Sa ngayon umano ay P20,000 ang entry level ng mga teachers sa mga public schools.

LEONOR BRIONES

TEACHERS SALARY INCREASE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with