^

Bansa

Pangako ni Duterte sa guro matutupad

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Pangako ni Duterte  sa guro matutupad
“Tinatrabaho ng Pangulo ang umento sa sahod ng mga guro. Hindi tinatalikuran ng Pangulo ang kanyang pangako pero maraming bagay ang nangyari sa unang tatlong taon ng kanyang termino kaya kailangan niyang dagdagan ang suweldo ng mga sundalo at pulis,” paliwanag ni Panelo sa media briefing kahapon sa Palasyo.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Siniguro kahapon ng Malacañang na tutuparin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangako nito sa mga guro para sa dagdag nilang suweldo, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

“Tinatrabaho ng Pangulo ang umento sa sahod ng mga guro.  Hindi tinatalikuran ng Pangulo ang kanyang pangako pero maraming bagay ang nangyari sa unang tatlong taon ng kanyang termino kaya kailangan niyang dagdagan ang suweldo ng mga sundalo at pulis,” paliwanag ni Panelo sa media briefing kahapon sa Palasyo.

 Wika pa ni Panelo, walang dapat ipag-alala ang mga guro dahil tutuparin ng Pangulong Duterte ang pangako nito sa kanila at naghaha­nap lamang ng pagkukunan ng pondo para dito. 

Sinabi pa ni Panelo na inutusan na ni Pa­ngulong Duterte ang kanyang economic ma­nagers na maghanap ng pondo para sa salary increase ng mga guro.

 Magugunita na bukod sa mga guro ay pina­ngakuan din ng Pangulo ng umento sa suweldo ang mga pulis at sundalo na ginawa naman  ng Pangulong Duterte subalit hindi pa naitataas ang suweldo ng mga guro.

RODRIGO DUTERTE

TEACHERS SALARY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with