^

Bansa

Ilang solons nanindigan sa ‘failure of elections’

Gemma A. Garcia - Pilipino Star Ngayon
Ilang solons nanindigan sa ‘failure of elections’
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Public Accounts kaugnay sa audit observations sa suppliers at contractors ng automated polls, ipinresenta ng Commission on Elections ang archive o kopya ng ginamit na balota noong 2010, 2013, 2016 at 2019 elections.

MANILA, Philippines — Naniniwala at naninindigan ang ilang kongresista na nagkaroon ng failure of elections sa katatapos lamang na 2019 midterm elections partikular na sa party-list groups.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Public Accounts kaugnay sa audit observations sa suppliers at contractors ng automated polls, ipinresenta ng Commission on Elections ang archive o kopya ng ginamit na balota noong 2010, 2013, 2016 at 2019 elections.

Dito ay nadiskubre na nito lamang 2019 ini­lagay sa likod ng mga balota ang party-list groups dahil nais ng COMELEC na i-optimize o paiksiin ang ballot paper para makatipid.

Subalit hindi ito ti­nang­gap ni Ako Bicol Representative Alfredo Garbin at iginiit na dahil sa kagustuhang maging masinop ay nakompromiso naman ang bilang ng mga botante na gustong pumili ng party-list.

Mula sa 63 milyong rehistrado ay 27 mil­yon lamang umano ang naka­boto habang ang karamihan ay hindi nakita o hindi alam na nasa likod ang pangalan ng mga party-list.

Paliwanag naman ni Comelec Spokesman James Jimenez, nais lamang ng Comelec na makatipid o mapaiksi pa ang pahina ng balota kaya binago nila ang disenyo o layout para sa halalan ngayong taon kumpara sa mga nakalipas na eleksyon.  

2019 MIDTERM ELECTIONS

FAILURE OF ELECTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with