Speaker ‘di dapat bagito - analyst
MANILA, Philippines — Hindi dapat bagito na madaling i-kudeta ang susunod na Speaker ng House of Representative, ayon sa isang political analyst at public opinion expert.
Sinabi ni Dr. Paul Martinez, mainit ngayon ang labanan para sa susunod na Speaker at dalawa na lang ang pagpipilian na sina Cong. Martin Romualdez at Cong. Lord Allan Velasco.
Sa panayam ng ilang kilalang congressmen, mahihirapan si Cong. Velasco dahil “bagito” at madali umanong ma-“kudeta” kung siya ang magiging Speaker.
“Napakaraming legislative agenda sa Kamara at mahihirapan ang isang “bagito” para itulak ito sa isang termino. Hindi madali sungkitin ang Speakership, pero mas mahirap ang pamumuno at kung hindi ka respetado, mahina ka, at kung hindi ka pa subok sigurado makudeta agad,” sabi ni Dr. Martinez.
Aniya, malaking papel ang gagampanan ng magiging House Speaker sa bansa dahil maraming “big time” legislative agenda si President Duterte sa natitirang 3 years na maitulak sa Kamara.
Nagpahayag naman ng suporta ang mga kilalang negosyante sa bansa kay Cong. Martin Romualdez dahil sa tingin nila maganda para sa “ekonomiya” ang subok na at hindi “bagito” na mambabatas para maging Speaker.
- Latest