Yosi aabot sa P100/pakete
MANILA, Philippines — Aabot sa halos P100 ang bawat pakete ng sigarilyo kapag naaprubahan ang P60 increase na nakapaloob sa sin tax bill sa Senado.
Ito ang sinabi kahapon ni Sen. Sherwin Gatchalian na nakatitiyak na papasa ang panukalang batas bago matapos ang kanilang sesyon sa Martes.
Ayon kay Gatchalian, iba-iba ang panukalang increase pero kung maaprubahan ang P60 pagtaas sa tax ay aabot sa P100 ang kada pakete ng sigarilyo.
Sinertipikahang urgent ang panukala at posibleng pumasa na sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa Senado pagpasok nila sa Lunes.
Kung tatanggapin aniya ng House ang ipapasang panukala ng Senado, mararatipikahan na agad ito sa Martes at maipadadala sa Malacañang.
Mahalaga aniya ang panukala dahil layunin nilang mapababa ang bilang ng mga naninigarilyo sa bansa at makakalap ng pondo para sa Universal Health Care.
- Latest