^

Bansa

'Di magso-sorry: Kahit nanalo na, Imee sinabing 'di nagsinungaling sa college degree

James Relativo - Philstar.com
'Di magso-sorry: Kahit nanalo na, Imee sinabing 'di nagsinungaling sa college degree
Aniya, mas gusto na lang daw niyang pagtuunan ng pansin ang paparating na trabaho sa Senado kaysa pag-usapan pa ang isyu.
the STAR/Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Muling pinanindigan ni Senator-elect Imee Marcos na wala siyang dapat ipaghingi ng tawad tungkol sa mga sinabing tinapos na kurso mula sa Princeton University at UP College of Law noong siya'y tumatakbo pa.

Matatandaang pinasinungalingan ng archivist ng Princeton at executive vice president ng UP Law na may graduation record si Marcos sa mga nasabing paaralan.

"What am I apologizing for?... I’m confused what I’m supposed to apologize about," diretsahan niyang sagot sa panayam ng ANC nang tanungin kung hihingi ba siya ng tawad sa Princeton ngayong nanalo na siya sa eleksyon.

"Ang pagkaintindi namin grumaduate kami... I’m still getting alumni letters and I keep receiving all these invites."

Aniya, mas gusto na lang daw niyang pagtuunan ng pansin ang paparating na trabaho sa Senado kaysa pag-usapan pa ang isyu.

Dagdag pa niya, "gazillion" na beses na raw kasi niyang nasasagot ang isyu.

"Tapos na ang kampanya, dapat isantabi na 'yung mga bakbakan na yan, ‘yung mga pasaring. Tapos na. Let’s focus on work," wika ng anak ng dating diktador na si Ferdinand Marcos.

"We have the voice of the people. We have been voted in... and spare everyone this non-stop discussion on the same thing and again and again na hindi ko alam kung anong tamang sagot e."

Matatandaang ipinagtanggol ni Davao Mayor Sara Duterte ng Hugpong ng Pagbabago si Imee, na kasama sa kanilang senatorial slate, at sinabing hindi dapat gawing isyu ang katapatan sa eleksyon.

Nagtapos si Marcos sa ika-8 pwesto sa senatorial race sa katatapos lang na 2019 midterm elections.

Magsisimula ang kanyang termino bilang senador pagsapit ng ika-30 ng Hunyo.

HONESTY

IMEE MARCOS

PRINCETON UNIVERSITY

UP COLLEGE OF LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with