^

Bansa

2-year mandatory ROTC lalabag sa int’l law

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
2-year mandatory ROTC  lalabag sa int’l law
Ipinaalala ni Hontiveros na halos menor- de-edad pa ang mga nasa Grades 11 at 12 na binabawalan pang su­mabak sa military trai­ning sa ilalim ng “Optio­nal Protocol to the United Nations Convention on the Rights of the Child” isang protocol kung saan kabilang ang Pilipinas.

MANILA, Philippines — Tutol si Sen. Risa Hontiveros na maging ganap na batas ang Senate Bill 2232 na nag­lalayong ipatupad ang Reserve Officers’ Trai­ning Corps (ROTC) sa Grades 11 at 12 dahil lalabag umano ito sa isang international law.

Ipinaalala ni Hontiveros na halos menor- de-edad pa ang mga nasa Grades 11 at 12 na binabawalan pang su­mabak sa military trai­ning sa ilalim ng “Optio­nal Protocol to the United Nations Convention on the Rights of the Child” isang protocol kung saan kabilang ang Pilipinas.

Paliwanag ni Hontiveros na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay kinabibilangan din ng isang ‘citizens’ armed force na mangu­nguna sa military trai­ning ng mga sasabak sa ROTC.

Nagpahayag din ng pag-aalala si Hontiveros kung saan kukunin ang pondo ang logistical requirements kung gagawaing mandatory ang ROTC lalo pa’t nasa 11,000 ang high schools sa bansa.

Bagaman at kinikilala umano ni Hontiveros ang kahalagahan ng military education at training para sa mga estudyante upang magamit siya sa national defense, pero dapat ay maging optio­nal ito sa mga estud­yante.

INTERNATIONAL LAW

RESERVE OFFICERS’ TRAI­NING CORPS

RISA HONTIVEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with