^

Bansa

6 na estudyante ng Pisay 'di pinagmartsa sa 'pagkakalat ng hubad na litrato'

James Relativo - Philstar.com
6 na estudyante ng Pisay 'di pinagmartsa sa 'pagkakalat ng hubad na litrato'
Kinumpirma ng kalihim ng Department of Science and Technology, na nangangasiwa sa Pisay, ang ulat.
Facebook/Philippine Science High School System

MANILA, Philippines — Pinagbawalang sumama sa graduation rites ngayong araw ang anim na binatilyo mula sa Philippine Science High School matapos diumano magpaskil ng malalaswang litrato ng mga babaeng kaeskwela.

Kinumpirma ng kalihim ng Department of Science and Technology, na nangangasiwa sa Pisay, ang ulat.

"None of them will march. Three will get diplomas while three will get certificates of completion only — but only after requirements that are part of penalty are completed or served," sabi ni DOST Secretary Fortunato dela Peña nitong Martes sa ABS-CBN.

(Wala sa kanilang mamartsa. Tatlo sa kanila ang makatatanggap ng diploma habang tatlo pa sa kanila ang makakukuha lang ng certificate of completion — 'yan ay kapag nakumpleto na nilang pagdusaan ang mga parusang ipapataw sa kanila.)

Una nang isinama ng kanilang Board of Trustees sa listahan ng mga magtatapos ang anim sa kabila ng rekomendasyon ng eskwelahan at protesta mula sa mga estudyante't mga magulang.

Lumabas ang desisyon matapos sabihin ng ni Sen. Bam Aquino, na ex-officio member ng BOT ng PSHS, na pag-aaralan nila ang naunang desisyon.

"We will vote in favor of the recommendation of the discipline committee and management committee, which is not to allow the identified students to graduate based on the degree of their offenses and previous decisions in similar cases," sabi niya sa ulat ng The STAR.

Sa kahiwalay na panayam ng campus radio ng Ateneo, sinabi rin ni Aquino na wala siya noong nangyari ang pagpupulong ng BOT noong ika-17 ng Mayo.

Dalawang taon na noong unang akusahan ang mga estudyante sa pagpapaskil nito, ngunit lumabas lang ang pagkakalat ngayong taon.

Nakasaad sa kanilang code of conduct na pagbabawalan grumadweyt ang mga estudyanteng mapatutunayang nagsasagawa ng voyeurism (pamboboso), kung saan saklaw ang pagpapaskil ng mga hubad na larawan at video.

Commission on Human Rights sa isyu

Kaugnay ng kaso, sinabi ng Commission on Human Rights na kinakailangang magkaroon ng mas malinaw na polisiya pagdating sa mga kahalintulad na reklamo.

"[S]chool officials must be reminded that in carrying our sanctions, the children’s present and future life—their general welfare, safety, and development—must always be put in mind," sabi ni Jacqueline Ann de Guia, tagapagsalita ng CHR.

(Dapat mapaalalahanan ang mga opisyal ng eskwelahan na sa pagpapataw ng mga parusa, dapat isang-alang-alang ang kinabukasan ng bata—ang kanilang kapakanan, kaligtasan at pag-unlad—dapat lagi itong iniisip.)

Dagdag ni De Guia, Marso pa lang ay nakikipag-ugnayan na sila sa pamunuan ng PSHS kaugnay ng kaso.

"CHR has offered trainings on child rights and protection among students and parents, including on the conduct of child-friendly investigation among members of the faculty and administration to aid in improving handling of such cases. However, none of these pushed through," sabi niya.

(Nag-alok ang CHR ng pagsasanay sa childs rights and protection sa mga estudyante at mga magulang, kasama ang pagsasagawa ng maayos na imbestigasyon sa mga miyembro ng faculty at administrasyon para makatulong sa paghawak ng mga ganitong kaso. Pero walang natuloy dito.)

Nanawagan naman ang CHR sa mga kawani ng midya na maging maingat sa pag-uulat patungkol sa nasabing balita at sumunod sa "Guide for Media Practitioners on the Reporting and Coverage of Cases involving Children" ng Department of Justice.

GRADUATION RITES

PHILIPPINE SCIENCE HIGH SCHOOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with