^

Bansa

PDEA kay Shanti Dope: Gumawa ng kantang swak sa 'war on drugs'

James Relativo - Philstar.com
PDEA kay Shanti Dope: Gumawa ng kantang swak sa 'war on drugs'
"Ang challenge kay Shanti Dope, sana makagawa siya ng music na aligned sa war on drugs," wika ng hepe ng PDEA ngayong Lunes.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Hinamon ni Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino ang rapper na si Shanti Dope, na inaakusahan niyang nang-eengganyo sa publikong gumamit ng marijuana, na magsulat ng kantang naaayon sa krusada ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Sa panayam ng "The Source" sa CNN Philippines, sinabi ni Aquino na mas mainam kung hindi masasamang bagay ang itinataguyod ng kanyang mga kanta.

"Ang challenge kay Shanti Dope, sana makagawa siya ng music na aligned sa war on drugs," wika ng hepe ng PDEA ngayong Lunes.

Tinutukoy niya ang agresibong kampanya kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte, na kumitil na sa buhay ng 27,000 katao ayon sa United Nations.

Ito ang pahayag ni Aquino ilang araw matapos niyang umapela sa Movie and Television Review and Classification Board, Organisasyon ng Pilipino mang-aawit at ABS-CBN na pigilin ang pagsasaere ng awitin niyang "Amatz" sa media.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Aquino na nakababahala ito lalo na't 32 beses daw inulit-ulit ang linyang "Ang lakas ng amats ko" sa kanta.

Nauna na niyang tinukoy bilang salitang balbal ang amats, na nagmula raw sa binaliktad na salitang tama. Isinasalarawan daw nito ang epekto ng alak o droga.

"Mas makakabuti sana kung gumawa siya ng kanta na para sa mga kabataan na hindi ‘yung nagpo-promote ng something bad," dagdag niya.

Droga ba talaga o hindi?

Ginagamit din sa kanta ang mga linyang "sobrang natural, walang halong kemikal," kung kaya't kumbinsido raw ang PDEA na marijuana ang tinutukoy ng hip-hop artist.

Madalas pag-usapan ang marijuana bilang organikong droga na natatagpuan sa kalikasan.

"It pertains either in the hit of alcohol or illegal drugs (Epekto ng alak o droga ang pinag-uusapan niya riyan). In this case (Sa kasong ito), ‘yung kanta niya malabo naman sigurong maging alcohol yan ano. Sabi niya meron pa siyang minention na damong mabango galing Benguet, o e ano pa ba yung damong mabango na galing Benguet, wala naman nang iba e," dagdag ni Aquino.

Kilala ang rehiyon ng Kordilyera sa mga patagong plantasyon ng ipinagbabawal na halaman.

Pinabulaanan naman ng managers ni Shanti Dope na itinataguyod ng kanta ang paggamit ng droga at sinabing mali lang daw ang kanilang pagkakaintindi.

Umani na rin ng batikos mula sa Concerned Artists of the Philippines ang ahensya at sinabing maaaring tutol pa nga raw ang kanta sa droga kung titilad-tilarin ang mga linya nito.

Naninindigan naman ang PDEA na maaaring makaimpluwensya ang mga ganitong kultural na teksto para baguhin ang pakiramdam at gawi ng nakikinig.

"If the music is sad, you will become sad. If the music is happy, you will feel happy. If the music is a love song, you will feel in love... How will you feel ‘pag narinig mo 32 times na ang lakas ng amatz mo?"

(Kung ang kanta ay malungkot, magiging malungkot ka. Kung ang musika ay masaya, magiging masaya ka. Kung tungkol sa pag-ibig ang kanta, mararamdaman ko ito... Anong madarama mo pag narinig mo 32 times na ang lakas ng amatz mo?)

Kalayaan sa pagsasalita

Nang tanungin kung si Shanti Dope lang ang pinupuntirya ng gobyerno, sinabi ni Aquino na bahagi lang ito ng kanilang "harm reduction effort."

Aniya, hindi raw absoluto ang kalayaan sa pagpapahayag at babatikusin nila ang anumang bagay na makasasama sa publiko.

Dagdag pa niya, posible raw dumaan si Shanti Dope sa tanggapan ng PDEA ngayong linggo, bagay na positibo raw upang mapag-usapan nila ang pagbabawal sa kanyang kanta.

Nitong Biyernes, sinabi ng CAP na hindi trabaho ng PDEA na busalan ang bibig ng mga musikero.

"[I]t is not PDEA’s job to be a music critic. Neither is it mandated to promote censorship and the suppression of artistic expression," ayon sa CAP.

(Hindi trabaho ng PDEA maging kritiko ng musika. Wala rin sa mandato nito na busalan ang pagsasalita ng iba at sikilin ang makasining na pamamahayag.)

AMATZ

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

SHANTI DOPE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with