Advincula sinabing 'scripted' lang ang 'Ang Totoong Narco-list'
MANILA, Philippines — Sumuko sa mga otoridad si Peter Joemel Advincula, ang lalaking nagpakilalang "Bikoy" sa "Ang Totoong Narcolist" videos na nag-uugnay sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalakalan ng droga.
Itinuro niya si Sen. Antonio Trillanes IV at ang Liberal Party bilang nasa likod ng produksyon ng nasabing video series.
"Lahat ng nangyari sa Ang Totoong Narco-list, video episode 1 to video episode 5... lahat iyun pawang scripted, lahat iyun pawang kasinungalingan," sabi ni Advincula sa press.
"Walang katotohanan lahat-lahat iyun at iyun ay pawang orchestrated lang ng mga nasa kabilang party, which is Liberal Party under the handling of Senator Sonny Trillanes IV."
Sa "Totoong Narco-list," sinabi ng isang nagpakilalang Bikoy, na parte raw noon ng sindikato, na idinidirekta raw ang pera mula sa droga papunta sa bank accounts ng anak ni Digong na si Davao City Vice Mayor-elect Paolo Duterte, kanyang manugang na si Manases Carpio at dating special assistant to the president Christopher "Bong" Go.
Kanyang paliwanag, ilang beses pa raw siya nakipagkita kay Trillanes noong ginagawa ang mga video.
Unang lumitaw sa publiko si Advincula sa tanggapan ng Integrated Bar of the Philippines sa gitna raw ng mga banta sa kanyang buhay.
Nagtungo naman siya sa Northern Police District nitong Miyerkules at inilipat sa himpilan ng PNP sa Kampo Crame.
Reaksyon ng LP, Trillanes
Samantala, pinabulaanan naman ng kampo ni Trillanes at ng LP ang mga bagong pahayag ni Advincula.
Ayon kay Trillanes, maaaring pakana lang ito ng administrasyon upang gipitin ang mga kritiko ng pamahalaan.
"I deny the allegations made by this Bikoy character. This could be another ploy of the administration to harass the oppossition," wika niya sa isang pahayag.
Kokonsulta naman daw siya sa kanyang mga abogado para makapaghain ng kaukulang kaso laban sa kanya.
Ganito rin ang sinabi ng LP, sa pamamagitan ni Senate Minority Leader Fraklin Drilon.
"The Liberal Party had nothing to do with the so-called Bikoy video. We deny the accusations."
"It is ridiculous on so many levels. It's excruciating to have listened to all his lies."
Inudyok naman ng LP ang PNP na alamin ang totoong nangyari at maghain ng kaso.
Kwestyon sa kredibilidad ni Advincula
Sa kabila nito, maaalalang pinagdududahan ng Malacañang na iisang tao sina Advincula at Bikoy.
Sa "voice analysis" na isinagawa ng gobyerno, sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo na hindi nagtugma ang boses ng dalawa.
Panelo: The voice of @bikoy on Episode of “Ang Totoong Narcolist” did not match that of Peter Advincula, who had surfaced as “Bikoy” | @xtinamen pic.twitter.com/exOZ2z8tCI
— The Philippine Star (@PhilippineStar) May 8, 2019
Sinabi rin ni Senate President Vicente "Tito" Sotto na si Advincula rin ang parehong tao na lumapit sa kanya at nag-ugnay kina dating Pangulong Benigno Aquino III, dating Interior Secretary Mar Roxas at Sen. Leila de Lima sa kalakalan ng droga.
- Latest