Kongreso balik sesyon ngayon
MANILA, Philippines — Kahit siyam na araw na lamang ang natitirang sesyon bago matapos ang 17th Congress, nangako ang liderato ng Kamara na marami pa na panukalang batas ang kanilang maipapasa.
Ngayong araw ang muling pagbubukas ng sesyon ng Kongreso matapos ang midterm elections.
Ayon kay House Majority leader Fredenil Castro, marami pa silang panukalang batas na maaprubahan sa sandaling magkaroon sila ng quorum.
Ang 17th Congress ay hanggang Hunyo 7 at inaasahan ang sine die adjournment sa Hunyo 5.
Samantala, umapela naman si Leyte 1st District Rep. Yedda Marie Kittilstvedt Romualdez sa Senado na ipasa na ang Department of Disaster Resilience (DDR) sa natitirang siyam na araw na sesyon.
Paliwanag ni Romualdez, ngayong sunud-sunod na ang nararanasang lindol sa bansa dapat ay ipasa na ang nasabing panukala bago matapos ang 17th Congress.
- Latest