^

Bansa

'Hahaha': Hidilyn Diaz tinawanan ang pagkakalagay sa 'ouster plot matrix'

James Relativo - Philstar.com
'Hahaha': Hidilyn Diaz tinawanan ang pagkakalagay sa 'ouster plot matrix'
Ang pangalan kasi ng weightlifting queen, kasama sa panibagong diagram na ikinakabit kay Rodel Jayme, taong nagpakalat daw ng "Ang Totoong Narcolist" na nag-uugnay sa Duterte family sa illegal drug trade.
Presidential Communications Operations Office, file

MANILA, Philippines — Tulad ni reporter Gretchen Ho, 'di masukat akalain ng Rio 2016 Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ang pagkakadawit sa listahan ng mga diumano'y nakikipagtulungan para guluhin ang pamahalaan.

Ang pangalan kasi ng weightlifting queen, kasama sa panibagong diagram na ikinakabit kay Rodel Jayme, taong nagpakalat daw ng "Ang Totoong Narcolist" na nag-uugnay sa Duterte family sa illegal drug trade.

"Hah? Ano yun? Sino si Rodel Jayme?" sambit niya sa panayam ng ABS-CBN News.

Gaya ni Gretchen, minaliit ito ng atleta at tinawanan lang.

"Hahaha di ko po kilala... Lol nakakatawa naman," dagdag ng Olympian.

Kanina, sinabi ni Panelo na nagtutulungan daw ang mga grupo gaya ng Liberal Party at Magdalo party-list para "i-discredit" ang pamahalaan.

Ang nasabing matrix, hindi naman daw alam ni Panelo kung sino ang gumawa ngunit ibinigay daw sa kanya ng Office of the President.

Bukod kina Ho at Hidilyn, ilan pa sa mga kasama sa mga tinatarget ng listahan ay ang Vera Files, Philippine Center for Investigative Journalism, Rappler, National Union of People's Lawyers, National Union of Journalists of the Philippines at marami pang iba.

Kadikit pa rin ito sa inilabas na "matrix" ng Palasyo at Manila Times noong isang linggo, kung saan sinasabing may "conspiracy" diumano para sirain ang imahe ni Pangulong Rodrigo Duterte para makapaghikayat ng kudeta.

Una nang sinabi ng NUPL na "basura" ang mga nasabing alegasyon at hindi magagamit sa korte bilang ebidensya laban sa mga mamamahayag at human rights lawyers.

Nauna nang sinabi ng kanilang grupo na ginagawa lang ito ng administrasyon para takutin ang mga kritiko ng administrasyon.

Matatandaang nag-resign din ang isa sa mga editor ng Times dahil sa "poorly sourced" na materyal na ginamit ng dati niyang pahayagan kaugnay ng kanilang exposé.

'For the nth time'

Samantala, tila pagod na rin ang Liberal Party sa patuloy na pagdidiin sa kanila sa matrix at "Bikoy videos."

"This is the nth time that the Administration, when confronted with controversy, falsely accuses the LP of being involved in ouster plots. Gawa-gawa lang yan," wika ni LP President at Sen. Francis Pangilinan.

"Ang hindi gawa-gawa na dapat nilang ipaliwanag ay bakit walang nahuhuli na mga drug lord o pinaparusahan na opisyal ng Customs sa paulit-ulit na pagpuslit ng toneladang shabu sa BoC. Yan ang dapat nilang aksyunan."

HIDILYN DIAZ

OLYMPICS

OUSTER MATRIX

RODRIGO DUTERTE

SALVADOR PANELO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with