^

Bansa

Chico irrigation project muling pinalagan; Chinese contractors 'pangit' daw ang record

James Relativo - Philstar.com
Chico irrigation project muling pinalagan; Chinese contractors 'pangit' daw ang record
"Makikita sa mga nagawa ng mga Chinese contractors sa ibang bansa na di gaanong mapagkakatiwalaan ang kanilang mga itinayong istruktura," ani Colmenares.
The STAR/KJ Rosales, File

MANILA, Philippines — Nababahala ang ilan sa desisyon ng gobyernong ituloy ang pagpapatayo ng Chico River Pump Irrigation Project sa Cordillera sa kabila ng diumano'y kwestyonableng kaledad ng trabaho ng mga Chinese contractors.

Ayon kay Makabayan senatorial bet Neri Colmenares, marami nang karanasan ang mga bansa gaya ng Sri Lanka at Ecuador kung saan pumalya o nagkaaberya ang mga itinayong infrastructure projects ng mga nasabing contractor.

"...Ecuador's  Coca Codo Sinclair Dam which was constructed by the [Chinese] Sinohydro corporation under an active volcano, only took two years after opening, when thousands of cracks are splintering the dam’s machinery."

Nang patakbuhin, yumanig pa raw ito at "shinort" ang national electricity grid.

Ang Hambantota port naman sa Sri Lanka, na itinayo ng China Harbour, iniwanan pa raw na may malaking tipak ng bato sa port entrance, dahilan para maharangan ang mga barkong paparating.

"[W]hen they blasted the boulder, they went on to renegotiate the China loan at evem more disadvantageous rates for Sri Lanka," wika niya.

"Makikita sa mga nagawa ng mga Chinese contractors sa ibang bansa na di gaanong mapagkakatiwalaan ang kanilang mga itinayong istruktura."

Mula sa kabuuang $83.01 milyong halaga ng Chico River irrigation project, $62.09 milyon mula dito ay kukunin sa utang na ibinigay ng Tsina, na una nang nabatikos bilang "debt trap."

Maaari raw kasing kunin ang ilang ari-arian ng Pilipinas oras na mabaon sa utang ang bansa at hindi makapagbayad.

Dati nang sinabi ng Embahada ng Tsina na walang batayan ang mga alegasyong ito.

Aniya, mas malaki pa raw umutang ang Pilipinas sa ibang bansa kumpara sa Tsina.

"I cannot understand why this less than only one percent can cause debt trap for the Philippines. You see other Philippine borrowings from other countries [are] actually much more than China. So why could one percent become a debt trap?" sabi ni Jin Yuan, commercial counselor of the embassy, sa mga reporter nitong Marso.

Ang loan agreement, sabi ni Jin, ay sadyang ambag lang daw ng Tsina sa "Build, Build, Build" program ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Minaliit na rin noon ng Palasyo ang pagkwestyon dito, kasama ang Kaliwa Dam project, at sinabing walang dapat ikabahala dahil nagbabayad naman daw lagi ng utang ang Pilipinas.

'Kayang gawin ng mga Pinoy'

Maliban sa diumano'y malalaking interes at kontrobersyal na mga kondisyon sa preferential buyer's credit loan agreement, kwinestyon din ni Colmenares ang pagkuha ng Pilipinas ng mga manggagawang Tsino sa proyekto dahil kaya naman daw itong gawin ng mga Pilipino.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang ipagtanggol ng National Irrigation Administration ang maniobra.

"The Chinese workers... specializes in tunneling and construction of a pumping station with their state-of-the-art equipment and technology," sabi ng NIA sa isang pahayag.

"Filipino workers may be capable... of doing this, but the collaboration with Chinese workers makes the work faster, shortening the construction period."

Matatandaang sinabi rin noon ni Special Envoy to China Ramon Tulfo na "tamad at mabagal" magtrabaho ang mga manggagawang Pinoy kumpara sa mga Tsino.

Pero hindi naman 'yan kinagat ng dating Bayan Muna representative.

"The real reason for hiring those Chinese workers is because the project funder is China, who requires a Chinese contractor, who in turn would rather hire their own people and use Chinese equipment and technology to bring the money back to China," ani Colmenares.

Aniya, kilala naman daw sa buong mundo ang manggagawang at inhinyerong Pilipino pagdating sa kanilang kasanayan at work ethic.

"To say they can’t qualify, or that Chinese workers are better for a relatively simple infrastructure project like this, is ridiculous," dagdag niya.

Kaugnay nito, uudyukin daw ng kanilang grupo ang Korte Suprema na maideklarang labag sa Saligang Batas ang proyekto para masalba ang trabaho ng mga Pilipino.

CHINESE LOAN

CONTRACTOR

FILIPINO WORKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with