^

Bansa

Preno muna: 'Dry run' ng provincial bus ban sa EDSA sinuspinde

James Relativo - Pilipino Star Ngayon
Preno muna: 'Dry run' ng provincial bus ban sa EDSA sinuspinde
Gayunpaman, klinaro ni Garcia na strito pa ring ipagbabawal ang pagsasakay at pagbababa ng provincial buses sa EDSA.
The STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Matapos ipatupad noong ika-22 ng Abril, pansamantalang itinigil muna ng Metropolitan Manila Development Authority ang "dry run" ng pagababawal ng mga provincial bus sa kahabaan ng EDSA.

"We will continue with the dry run once the guidelines and implementing rules have been ironed out by the three agencies involved (Muli namin itong ipatutupad oras na maplantsa ng tatlong ahensyang sangkot dito ang guideline at implementing rules nito)," wika ni MMDA General Manager Jojo Garcia. 

Magpupulong raw muna ang MMDA, Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board bago ito muling ipatupad.

Resulta ang bus ban ng MMC Regulation Nuber 19-002 na nagkakansela sa mga business permits ng provincial bus terminals sa EDSA na inaprubahan ng mga alkalde ng Metro Manila nitong Marso.

Gayunpaman, klinaro ni Garcia na strikto pa ring ipagbabawal ang pagsasakay at pagbababa ng provincial buses sa EDSA.

Sinabi naman ni Garcia na ayaw nilang mapulitika ang isyu lalo na't paparating ang halalan. 

Una nang sinabi ng MMDA na layon nilang maisara ang lahat ng terminal sa EDSA pagdating ng Hunyo, dahilan para kwestyunin ito ng Ako Bicol party-list sa Korte Suprema.

Inabisuhan nila ang mga operator ng bus na gamitin na lang ang mga terminal sa Valenzuela, Sta. Rosa, Laguna at  Parañaque Integrated Terminal Exchange.

Kahapon, sinabi naman ni Edison Nebrija, EDSA traffic discipline zone ng MMDA, na hindi isasara ang provincial bus station sa Cubao, Quezon City.

"The common terminal in Cubao will be retained," ani Nebrija sa panayam ng dzBB.

Imumungkahi naman daw ng MMDA sa LTFRB na i-convert na lang sa point-to-point ang prangkisa ng ilang provincial buses.

BUS BAN

DOTR

LTFRB

MMDA

PROVINCIAL BUSES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with