^

Bansa

Digong pangungunahan ang Cabinet meeting ngayon

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Digong pangungunahan ang Cabinet meeting ngayon
Ang huling public appearance ng Pangulo ay ang pagdalo nito sa opening ng Palarong Pambansa sa Davao City noong Abril 29.

MANILA, Philippines — Pangungunahan ngayon ni Pangulong Duterte ang Cabinet meeting sa Malacañang, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Sinabi ni Sec. Panelo, kahit nasa bahay ang Pangulo at nagpapahinga matapos ang China trip nito ay inasikaso pa rin nito ang mga paper works.

“Nasa Davao, nasa bahay niya. Alam mo marami kasi siyang mga paperwork, he has to work on that kaya after China, nagpahinga siya and then nagtrabaho na ulit,” wika ni Panelo sa Super Radyo dzBB.

Ang huling public appearance ng Pangulo ay ang pagdalo nito sa opening ng Palarong Pambansa sa Davao City noong Abril 29.

Siniguro din ni Panelo na nasa mabuting kalusugan ang Pangulo taliwas sa agam-agam na maysakit ito kaya hindi nagpapakita sa publiko.

“Mayroon kaming Cabinet meeting ngayon (Lunes) kaya trabaho na naman ulit [si Presidente],” wika pa ni Panelo.

RODRIGO DUTERTRE

SALVADOR PANELO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with