^

Bansa

2.9M bata sa Pinas wala pang bakuna

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
2.9M bata sa Pinas wala pang bakuna
Ayon sa UNICEF, mas dumarami ang mga batang nanganganib ang buhay at kalusugan.
File Photo

MANILA, Philippines — Nasa 2.9 milyong bata pa sa bansa ang nanati­ling walang bakuna, ayon sa United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF).

Ayon sa UNICEF, mas dumarami ang mga batang nanganganib ang buhay at kalusugan.

Ilan sa mga mapa­nganib na sakit na maaa­ring makuha ng mga bata sa kawalan ng kaukulang bakuna ay ang polio, tigdas, beke at rubella.

Sa datos ng UNICEF nitong 2017, bumagsak sa 73 porsyento ang measles immunization coverage mula sa da­ting 88 percent noong 2013. Nitong nakaraang taon, mas lalong bumagsak ang bilang ng mga batang nabakunahan kontra tigdas sa 70 porsyento.

Ilan sa malala­king dahilan kung bakit bumagsak ang bilang ng mga batang nagpapabakuna ay dahil sa kawalang interes ng mga pamilya nito, pagkaubos ng bakuna, kulang sa sapat na pagsasanay ang health workers na mangunguna sa immunization o kaya nama’y dahil sa napakalayong tirahan ng mga bata.

Nitong Enero, halos 30,000 ang kaso ng tigdas sa bansa kung saan 389 ang iniulat na namatay.

Bukod sa tigdas, kasama rin sa mandatory basic immunization ang mga bakuna kontra TB, polio, hepatitis B, type B influenza, diphtheria, tetanus at pertussis.

UNITED NATIONS INTERNATIONAL CHILDREN’S EMERGENCY FUND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with