^

Bansa

Militanteng party-list nanguna sa Pulse Asia voter preference survey

James Relativo - Philstar.com
Militanteng party-list nanguna sa Pulse Asia voter preference survey
Numero uno sa listahan ang Bayan Muna party-list, na posibleng makakuha ng tatlong seats sa Kamara kung isinagawa ngayon ang halalan.
Release

MANILA, Philippines — Lumabas na ang electoral preference survey ng Pulse Asia pagdating sa mga party-list groups na tumatakbo sa 2019 midterm elections, bagay na pinangunahan ng ilang grupong kritikal sa administrasyon.

Numero uno sa listahan ang Bayan Muna party-list, na posibleng makakuha ng tatlong seats sa Kamara kung isinagawa ngayon ang halalan.

Nakakuha sila ng 8.50% voter preference.

Sinundan naman sila ng Magsasaka, Gabriela, Ako Bicol at A Teacher na inaasahan ding makakakuha ng tatlong pwesto.

"Maraming, maraming salamat po sa mga sumusuporta sa Bayan Muna at sana ay magtuloy po ang suportang ito hanggang sa eleksyon at maging sa pagkatapos nito," sabi ni Rep. Carlos Zarate (Bayan Muna).

Aniya, ikinatutuwa nila na napapansin ng taumbayan ang pakikipaglaban nila para sa mas mataas na sahod, pension at pagtutol sa pagsirit ng mga bayarin gaya ng kuryente, krudo at tubig.

Gayunpaman, hindi raw sila magpapakampante.

"Dapat ay lalo pa nating paigtingin ang pangangampanya at tiyaking makaboto ang ating mga supporters at mabantayan ang mga boto para hindi tayo madaya," dagdag ni Zarate.

Kasalukuyang mayroong "super majority" ang administrasyon sa Kongreso, dahilan para maging minorya ang boses ng opisisyon.

"Alam nating patitindihin ng survey na ito ang red-tagging at atake ng AFP, PNP at iba pang grupo laban sa Bayan Muna, Makabayan Bloc at senatoriable Neri Colmenares," sabi niya sa Ingles.

Sa kabila nito, kumpiyansa naman daw silang mapangingibabawan ang mga ito.

Lumalabas na 14 party-list groups na rin ang siguradong makakakuha ng isang seat sa House of Represenatatives, matapos umani ng 2% voter preference.

Inilahad din sa pag-aaral na 74% lang ng mga botante ang may malay sa party-list system.

Ipinatupad ang Republic Act No. 7941 o Party-List System Act para mabigyan ng representasyon sa Kamara ang mga partido at organisasyon na "marginalized" at "under-represented."

Kaiba sila sa mga inihahalal mula sa mga legislative districts, na dominado pa rin ng may pera at mga dinastiya.

Isinagawa ang survey mula ika-23 ng hanggang ika-27 ng Marso 2019.

2019 MIDTERM ELECTIONS

BAYAN MUNA

PARTY-LIST GROUPS

PULSE ASIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with