^

Bansa

Times editor nag-resign dahil sa 'oust Duterte matrix' article ng pahayagan

Philstar.com
Times editor nag-resign dahil sa 'oust Duterte matrix' article ng pahayagan
Umalis siya nitong Miyerkules matapos maglabas ng artikulo ang Times kung saan pinangalanan ang ilang media outfits at human rights lawyers bilang nasa likod ng diumano'y planong kudeta.
Twitter/Varsitarian

MANILA, Philippines (Update 2, 6:37 p.m.) — Nagbitiw mula sa pagiging managing editor ng Manila Times si Felipe Salvosa II kaugnay ng kontrobersyal na artikulong inilabas ng kanilang pahayagan patungkol sa mga nagbabalak diumanong magpatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Umalis siya nitong Miyerkules matapos maglabas ng artikulo ang Times kung saan pinangalanan ang ilang media outfits at human rights lawyers bilang nasa likod ng diumano'y planong kudeta.

Sinulat ito ng kanilang chairman emeritus na si Dante Ang, na itinalaga rin noon ni Duterte bilang special envoy for international public relations.

"In UST journalism, we always tell students that our number one obligation is to the truth," sabi ni Salvosa sa panayam ng The Varsitarian, pahayagang pangkampus ng Unibersidad ng Santo Tomas.

Tumatayo rin bilang program coordinator ng UST journalism at assistant adviser ng Varsitarian si Salvosa.

"I felt sincerely that I needed to uphold that principle now more than ever," dagdag niya.

Nagsilbi siya bilang managing editor ng nasabing diyaryo mula 2016.

Umani ng batikos mula sa iba't ibang sektor ang nasabing matrix, bagay na maglalagay lang daw sa mga kritikal na mamamahayag at mga abogado sa mas malaking peligro.

Kasama ang Vera Files, Philippine Center for Investigative Journalism, Rappler at National Union of People's Lawyers sa mga itinuturo ng artikulo.

Una nang inihalintulad sa "Red October plot," "propaganda" at "basura" ang nilalaman ng nasabing artikulo.

'Walang basehan'

"A diagram is by no means an evidence of 'destabilization' or an 'ouster plot.' It is a very huge stretch for anyone to accuse PCIJ, Vera Files and Rappler of actively plotting to unseat the President. I know people there and they are not coup plotters," sabi ni Salvosa sa isang Tweet.

Inilabas din ni presidential spokesperson Salvador Panelo ang kaparehong matrix, at sinabing nanggaling ito sa Office of the President.

Hindi naman maipaliwanag ni Panelo ang dokumento ngunit nanindigang "verified" ito.

"Galing kay presidente kaya paniwalaan ninyo," ani Panelo.

Itinala naman ng NUPL ang iba't ibang dahilan kung bakit mahina at hindi magagamit sa korte bilang ebidensya ang nasabing matrix.

Sa kabila ng sinabi ng Palasyo, binanggit ng Armed Forces of the Philippines na wala naman talagang banta para mapatalsik si Duterte.

"Maraming nagka-come up na information pero no specific threat because we have a very strong AFP [Armed Forces of the Philippines], we have a very strong PNP [Philippine National Police] and very strong support na nakikita namin coming from the Filipinos sa ating administration," sabi ni AFP public affairs chief Col. Noel Detoyato sa mga reporter. 

Hindi nag-resign

Sa statement na inilabas ng Manila Times, sinabi naman nila na hindi siya nagbitiw: "Mr. Salvosa did not resign; he was asked to do so."

Aniya, binaliktad daw ng press ang nangyari para siraan ang dating employer ni Salvosa.

"He behaved unethically when he posted a statement on social media without first notifying or clarifying with our Chairman Emeritus, Dr. Dante A. Ang, the issues that he had with the story 'Oust-Duterte plot bared,' written by the owner himself,"

Matagal na raw mayroong "open-door policy" ang Times, dahilan para makausap nila ang kanilang chairman emeritus kahit kailan.

Paninindigan naman daw ng Manila Times ang kanilang piyesa, at tinawag itong "lehitimong news item."

"As was explained to Mr. Salvosa, our Chairman Emeritus had a credible source – no less than the Office of the President of the Philippines," sabi ng pahayag.

Gumawa rin daw ng sariling background check si Ang gamit ang iba't ibang sources, bago isumite ang kanyang artikulo.

Sinubukan naman din daw kunin ang panig ni Ellen Tordesillas, presidente ng Vera Files, para sa storya ngunit hindi nakakuha ng tugon. — James Relativo

FELIPE SALVOSA II

MANILA TIMES

OUSTER

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with