^

Bansa

3,263 istraktura nakatayo sa danger zone ng West Valley Fault

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
3,263 istraktura nakatayo sa   danger zone ng West Valley Fault
Ang West Valley Fault ay may 100 kilometro mula lalawigan ng Bulacan na dadaan sa Metro Manila puntang Cavite hanggang sa Laguna.

MANILA, Philippines — May mahigit  3,263  istraktura ang nakatayo sa danger zone ng West Valley Fault at malamang na mawasak kung gagalaw  ang mga faultline oras na lumindol.

Ayon sa  Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), kahit matibay ang isang gusali pero ito ay nakatayo sa danger zone ng west valley fault, mawawasak ang foundation nito at masisira ang building.

Sinabi ni Dr. Arturo Daag,  Chief ng Science Research Specialist ng Phivolcs, wala pang  engineering intervention mayroon ngayon para makontrol ang epekto ng paggalaw ng fault line.

Ang  West Valley Fault ay may 100 kilometro mula lalawigan ng  Bulacan na dadaan sa Metro Manila puntang  Cavite hanggang sa Laguna.

Bunga nito, inabisuhan ni Daag ang mga residenteng nasa fault line ang straktura na lisanin ang lugar upang makaiwas sa peligro ang buhay at lagyan ng marker ang lugar na ito ay nasa fault line.

Noong lunes ay nagkaroon ng 6.1 magnitude na lindol sa Luzon kasama ang Metro Manila dahil sa paggalaw ng fault.

WEST VALLEY FAULT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with