ARAL prayoridad ng Ang Probinsyano
MANILA, Philippines — Prayoridad ng Ang Probinsyano Party-List ang pagsusulong ng programang Access Roads to all Learners (ARAL) sa pakikipag-ugnayan sa DPWH.
“Ang edukasyon ay malaking bahagi ng pag-aangat ng antas ng pamumuhay ng mga nangangailangan nating mga kababayan sa probinsya kaya ito ay isa sa mga focus areas ng Ang Probinsyano Party-List,” ayon kay APPL nominee at youth advocate na si Alfred Delos Santos.
“Sa pamamagitan ng programang Access Roads to All Learners, masisiguro natin na ang mga kabataan sa mga malalayo at liblib na barangay ay makakakuha pa rin ng tamang edukasyon at makakapagtapos ng kanilang pag-aaral. Hangad namin na magkaroon ng mas maraming oportunidad pang-edukasyon sa bawat probinsya para maibsan ang kahirapan,” dagdag pa niya.
- Latest