^

Bansa

Listahan: Drop-off, pick-up points ng MRT-3 Bus Augmentation Program

James Relativo - Philstar.com
Listahan: Drop-off, pick-up points ng MRT-3 Bus Augmentation Program
Itinigil muna kasi ang operasyon ng MRT-3 ngayong Holy Week.
The STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Magtatalaga ng 140 bus bilang paghalili sa Metro Rail Transit-3 na nagseserbisyo sa kahabaan ng EDSA.

Itinigil muna kasi ang operasyon ng MRT-3 ngayong Holy Week.

Itatalaga ang mga bus ngayong ika-15 hanggang ika-17 ng Abril, at ika-20 hanggang ika-21 ng Abril, mula alas-singko ng umaga hanggang alas-nuebe ng gabi.

"Hangad namin sa DOTr MRT-3 ang inyong maginhawang biyahe habang isinasagawa ang kinakaila ngang pagmimintina at pagkukumpuni sa ating train system," ayon sa pahayag ng Department of Transportation MRT-3 kahapon.

Narito ang drop-off at pick-up points:

  • North Ave. — MRT Station (Southbound), Trinoma (Northbound)
  • Quezon Ave. — MRT Station (Southbound), Centris (Northbound)
  • Kamuning — Tapat ng SMDC/Malapit sa Pag-ibig Fund Bldg (Southbound), MLQU Bldg. (Northbound)
  • Cubao — Stairway Vista Hotel (Southbound), Expo Center (Northbound)
  • Santolan — VV Soliven (Southbound), MRT Station (Northbound)
  • Ortigas — MRT Station (Southbound), Megamall/Robinson (Northbound)
  • Shaw Blvd. — Starmall waiting shed (Southbound), Megamall (Northbound)
  • Boni Ave. — Bus stop malapit sa stairway (Southbound), bus stop malapit sa SMDC Light Mall (Northbound)
  • Guadalupe — Footbridge Loyola (Southbound), Footbridge (Northbound)
  • Buendia — Bus stop malapit sa Shell gasoline station (Southbound), bus stop (Northbound)
  • Ayala — Bus stop malapit sa SM (Southbound), bus stop malapit sa Telus Bldg. (Northbound)
  • Magallanes — Bus stop malapit sa San Lorenzo Bldg. (Southbound), MRT stairway (Northbound)
  • Taft Ave. — Bago mag-Kabayan (Southbound), malapit sa McDonalds at Sogo Hotel (Northbound)

Sa mga nagtataka kung magkano ang pamasahe rito, sinabi ng DOTr MRT-3 na hindi naman ito magtataas ng singil.

"Nais din naming ipabatid na ang pasahe para sa pagsakay sa mga bus ay katulad ng fare matrix na ipinatutupad ng MRT-3," dagdag ng pahayag departamento.

Ang naturang programa ay inisyatibo ng DOTr, MRT-3, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Land Transportation Office, Metropolitan Manila Development Authority, i-ACT Alpha/Bravo teams at Philippine National Police—Highway Patrol Group.

BUS SERVICE

EDSA

HOLY WEEK 2019

METRO RAIL TRANSIT-3

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with