^

Bansa

Napatay na Marawi siege leader kinumpirma ng DNA test

Gemma Garcia, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Napatay na Marawi siege leader  kinumpirma ng DNA test
Abu Dar

MANILA, Philippines — Nakumpirma na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang bangkay ng teroristang lider na si Owayda Benito Marohomsar o Abu Dar ang napatay sa Marawi siege noong 2017.

Ito’y matapos na mag-match ang DNA sample ng militar sa katawan ng teroristang lider na kinuha at umano’y isinagawa ng Estados Unidos.

Dahil sa pagkamatay ni Dar, naniniwala si Col. Romeo Brawner, commander ng 103 Infantry Brigade ng Philippine Army, na tapos na rin ang operasyon ng Dawlah Islamiya Lanao Group.

Sinabi ni Brawner na ang kumpirmasyon ay nakuha isang buwan matapos na mapatay si Abu Dar sa isang military pursuit operation sa boundaries ng Tuburan at Pagayan sa bayan ng Lanao del Sur.

Si Dar ay bahagi ng plano ng pag-atake sa Marawi  kasama ang mga napaslang na sina Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Base sa intelligence report, tinangka ni Abu Dar na bumalik sa battleground kasama ang iba pang kasama para sa reinforcements subalit hindi nagtagumpay dahil sa military lockdown sa Marawi City matapos ang limang buwang bakbakan na nagtapos noong Oktubre 2017.

ABU DAR

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with