^

Bansa

LCSP sumuporta

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
LCSP sumuporta
Kasunod ito ng utos ni Pangulong Duterte sa Land Transportation Office (LTO) sa kanyang pagdalo sa National Motorcycle Convention sa Iloilo City.

MANILA, Philippines — Suportado ng Lawyers for Commuters Safety and Protection ang pagsuspinde sa implementasyon ng doble plaka sa mga motorsiklo sa bansa o paglalagay ng license plate sa harap at likod ng motorsiklo.

Kasunod ito ng utos ni Pangulong Duterte sa Land Transportation Office (LTO) sa kanyang pagdalo sa National Motorcycle Convention sa Iloilo City.

Unang nagprotesta ang motorcycle riding community  laban sa Motorcycle Crime Prevention Act (RA 11235) na nagsasaad ng paglalagay ng doble plaka sa mga motorsiklo.

“Walang humpay ang pagprotesta ng motorcycle riding community laban dito at mukhang pinakinggan ito ng Presidente at kanyang inanunsiyo sa harap ng National Motorcycle Convention na suspendihin ng LTO ang  implementasyon ng Doble Plaka”, pahayag ni LCSP founding President Ariel Inton.

Bunga ng pagpapasuspinde sa doble plaka, panukala ng Pangulo na isa na lamang plaka ang ilalagay sa likod ng motorsiklo at palalakihin na lamang ito.

LICENSE PLATE

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with