^

Bansa

60-kph speed limit sa EDSA para sa kaligtasan ng lahat - MMDA

Mer Layson, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
60-kph speed limit sa EDSA para  sa kaligtasan ng lahat - MMDA
Ang paglilinaw ay ginawa ni Edison Nebrija, traffic manager for EDSA ng Metro Manila Development Authority (MMDA), kasunod ng mga pagtutol dito ng mga motorista.

MANILA, Philippines — Para sa kaligtasan ng lahat ang ginawang pagtatakda ng 60 kilometer-per-hour (kph) na speed limit sa mga sasakyang bumibiyahe sa EDSA.

Ang paglilinaw ay ginawa ni Edison Nebrija, traffic manager for EDSA ng Metro Manila Development Authority (MMDA), kasunod ng mga pagtutol dito ng mga motorista.

Nagdesisyon ang Metro Manila Council na magpatupad ng 60 kph speed limit sa lahat ng sasakyang bumabagtas sa lahat ng circumferential at radial roads sa Metro Manila, kabilang ang EDSA o C-4, maliban sa mga bus at truck.

Mayroon naman aniyang bahagi na maaaring lumampas sa 60 kph ang speed limit lalo na kung hindi naman rush hour.

Iginiit din ni Nebrija na hindi na ligtas sa ngayon ang EDSA sa mas mabilis na biyahe dahil na rin sa mga lubak sa ilang bahagi nito.

Tiniyak naman niya na nagsasagawa na ng road repairs ang mga concerned agencies upang matiyak na ligtas ang bumiyahe sa naturang pangunahing kalsada. 

Nakatakda pa lamang ianunsiyo ng MMDA sa mga susunod na araw kung kailan magiging epektibo ang speed limit, ngunit umapela sa mga motorista na obserbahan na ito ngayon pa lamang.

SPEED LIMIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with