Mga beterano isang linggong may libreng sakay sa LRT-2
MANILA, Philippines — Walang kailangang bayaran ang mga beterano ng digma sa Light Rail Transit-Line 2 simula bukas, ika-5 ng Abril, hanggang ika-11.
Isasagawa raw ito ng linya ng tren bilang bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Veterans Week at Araw ng Kagitingan.
Inilabas ang anunsyo sa opisyal na Twitter account ng Light Rail Transit-Line 2 ngayong Martes.
"In observance of the Philippine Veterans Week and the Araw ng Kagitingan, veterans may avail of unlimited FREE LRT-2 RIDES at any time between 4:30 a.m. until the last commercial train trip on the dates indicated below. Salute!" ayon sa isang pahayag.
FREE RIDE: In observance of the Philippine Veterans Week and the Araw ng Kagitingan, veterans may avail of unlimited FREE LRT-2 RIDES at any time between 4:30 a.m. until the last commercial train trip on the dates indicated below. Salute! pic.twitter.com/VoFZc4ukfR
— LRT2 (@OfficialLRTA) April 2, 2019
Tumatakbo ang tren hanggang alas-diyes y media ng gabi.
Ayon sa paskil, kakailanganin lang daw na magpresenta ang Philippine Veterans Affairs Office identification card para mapakinabangan ang limitadong pribilehiyo.
Bukod pa riyan, libre rin daw sa pagbabayad ang isang kasama ng beterano.
Wala pa namang pahayag ang Metro Rail Transit 3 at LRT-1 kung magpapatupad sila ng kahalintulad na serbisyo.
- Latest