^

Bansa

Pabahay sa mahihirap palakasin - PBB

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Pabahay sa mahihirap palakasin - PBB
Wika ni Atty. Cruz ng PBB, hindi naging angkop sa kasalukuyang pangangailangan sa pabahay ang naging amyenda sa UDHA makaraang mag-lapse into law ito noong 2016 matapos hindi lagdaan ni dating Pa­ngulong Noynoy Aquino. Kailangang maging maayos ang pamamahagi ng pabahay sa buong bansa upang mapakinabangan ito ng tao at hindi ng mga pulitiko.

MANILA, Philippines — Isusulong ni Partido ng Bayan ang Bida (PBB) Partylist nominee Atty. Imelda Cruz na rebisahin ang Urban Development Housing Act (UDHA) upang palakasin ito at maging behikulo sa mura at disenteng pabahay sa mga homeless Filipino.

Wika ni Atty. Cruz ng PBB, hindi naging angkop sa kasalukuyang pangangailangan sa pabahay ang naging amyenda sa UDHA makaraang mag-lapse into law ito noong 2016 matapos hindi lagdaan ni dating Pa­ngulong Noynoy Aquino. Kailangang maging maayos ang pamamahagi ng pabahay sa buong bansa upang mapakinabangan ito ng tao at hindi ng mga pulitiko.

Ibinunyag ni Cruz, karamihan sa mga pabahay ng gobyerno ay napupunta sa mga pulitiko sa halip na taumbayan ang makinabang dito. Aniya, aabot sa 6.2 M na ang backlog sa pabahay noong 2016 at tiyak na mataas na ito makalipas ang tatlong taon.

IMELDA CRUZ

PARTIDO NG BAYAN ANG BIDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with