^

Bansa

Duterte sa Chinese officials: Walang kinalaman ang admin ko sa kaso vs Xi Jinping sa ICC

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Duterte sa Chinese officials: Walang kinalaman ang admin ko sa kaso vs Xi Jinping sa ICC
Si Pangulong Duterte habang kausap sa isang pulong si Song Tao, head ng International Department ng Communist Party of China na nag-courtesy call sa Davao City.

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pangulong Duterte sa China na walang kinalaman o partisipasyon ang administrasyon nito sa pagsasampa ng reklamo laban kay Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court (ICC).

Ito ang ipinabatid ng Pangulo kay Chinese Communist Party’s Minister of the International Department Song Tao na nag-courtesy call sa Davao City.

“However, he said, the Philippines is a democratic country. Therefore, ‘we cannot stop people from just filing cases’,” wika ng Pangulo kay Song.

Napag-usapan din ng 2 lider ang mutual interest tulad ng trade, infrastructure development at South China Sea dispute.

Tiniyak naman ni Song na kung kakailanganin pa ng Pilipinas ang anumang assistance sa pagpapabuti sa kabuhayan ng mga Pilipino, nakahandang tumulong ang China.

“If there will be a need of assistance in improving the people’s lives, China is willing to help,” sabi ni Song.

Magugunitang naghain ng reklamo sa ICC sina ex-Foreign Secretary Albert del Rosario at former Ombudsman Conchita Carpio-Morales laban kay Xi dahil sa crimes against humanity kaugnay sa planong pagkontrol sa resource-rich South China Sea.

SONG TAO

SOUTH CHINA SEA DISPUTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with