^

Bansa

Think tank: China loan, grant sumirit ng 24,200% mula 2016; Kapalit ibinabala

James Relativo - Philstar.com
Think tank: China loan, grant sumirit ng 24,200% mula 2016; Kapalit ibinabala
Chinese President Xi Jinping at Pangulong Rodrigo Duterte.
The STAR/KJ Rosales, File

MANILA, Philippines — Pumalo ng hanggang 24,200 porsyento ang itinaas ng "aid" ng Pilipinas mula sa Tsina, ayon sa economic think tank na Ibon Foundation.

Ang mga ito, galing sa mga official development assistance (utang o grant) ng dambuhalang bansa sa Pilipinas, karamihan sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ibinase raw nila ito mula sa "indicative overall ODA ranking by fund source" ng National Economic and Development Authority at ODA portfolio reviews noong 2016 at 2017.

Inilabas ito sa gitna ng mga kontrobersyal na infrastructure projects ng Pilipinas na popondohan ng utang mula sa Tsina.

Una nang umani ng batikos ang Chico River Pump Irrigation Project at New Centennial Water Source-Kaliwa Dam Project dahil sa diumano'y pagpabor ng mga loan agreements sa Tsina, bukod sa mga mapaaalis na katutubo ng proyekto.

Sa ilalim din nito, posibleng ibigay sa Tsina ang ilang ari-arian ng Pilipinas kung hindi makabayad sa utang.

"Bumagsak ang ODA ng China sa Pilipinas nang igiit natin ang ating soberanya — mula 2012 nang tawaging West Philippine Sea ang dating ‘South China Sea’ at lalo na mula 2013 nang isampa ang kaso laban sa China sa Permanent Court of Arbitration (PCA)," ayon kay Sonny Africa, executive director ng Ibon Foundation sa panayam ng PSN.

"Ang biglang paglaki ng ODA sa ilalim ni Duterte ay patunay na pagsuko ng soberanya ang naging kapalit nito." 

Taong 2016, US$ 1.5 milyon lang ang ibinigay na grant ng Tsina. Pagpasok naman ng 2017, tumaas naman daw ito ng hanggang US$ 63.6 milyon.

Lumobo naman ito paakyat ng US$ 364.5 milyon (US$ 273.3M utang at US$ 91.18M grant) noong 2018.

"The Duterte administration has become so used to privileging China that it forgets its infinitely greater responsibility towards the Philippines and Filipinos," dagdag ni Africa.

Hindi tulong pero para sa 'sariling interes'

Nagbabala naman ang grupo tungkol sa mga ibinigay na utang at grant sa Pilipinas. Aniya, hindi raw ito basta tulong ngunit may malaking kapalit.

The Chinese loans negotiated by the Duterte administration are suspiciously disadvantageous for the Philippines,” ayon kay Africa sa hiwalay na pahayag.

"Countries give official development aid not out of charity but always to advance their foreign policy and self-interest."

Halimbawa, gagamitin daw ang Kaliwa loan deal para bayaran ang mga Tsinong contractor at manggagawa.

Sa lahat din daw ng bilateral donors ng Pilipinas, Tsina ang sumisingil ng pinakamataas na nominal interest rates.

Sa Article 7 ng Kaliwa loan deal, maaari rin daw i-deklarang nag-default sa utang ang bansa kung mahuli ng 30 araw sa pagbabayad, kahit na sa ibang utang mag-default ang Pilipinas.

"There are no such provisions in the other Japan and Korean loans that the DOF recently released," dagdag ng Ibon.

Maliban dito, ginagabayan din ng batas ng Tsina ang utang (Article 8.4) at dadalhin sa Hong Kong International Arbitration Centre (Article 8.5) ang anumang dispute.

Dahil dito, di hamak daw na papaboran ng HKIAC ang Tsina at lugi ang Pilipinas kung nagkataon.

Dagdag nila, pinapain ng Tsina ng Pilipinas para isuko ang ilang likas at estratehikong yaman (Article 8.1).

"China is not just any lender and is aggressive in asserting its global agenda even at the expense of human rights, environmental protection, and feeding corruption in debtor governments," babala ni Africa.

Sa kabila ng pagbabandila ni Presidente Duterte ng "independent foreign policy" sa simula ng kanyang termino, hinamon ng grupo ang pangulo na putulin ang kasunduan.

'Debt trap 'di problema'

Matatandaang minaliit ng Palasyo ang babala ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na pwedeng kunin ng Tsina ang gas sa Reed Bank kung hindi makapagbayad sa uutangin para sa Chico River irrigation.

Aniya, lagi naman daw nagbabayad ang bansa kung kaya't imposible itong mangyari.

"It will never happen kasi nga we pay eh... Saka ang liit lang naman," sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo.

CHINA

GRANT

LOAN

PHILIPPINES-CHINA RELATIONS

RODRIGO DUTERTE

XI JINPING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with