Negosasyon sa China mas pinaboran ni Enrile
MANILA, Philippines — Sa kabila ng paghain ng reklamo ng mga dating opisyal ng pamahalaan sa International Criminal Court (ICC) laban kay Chinese President Xi Jinping dahil sa mga pinagtatalunang isla sa South China Sea, sinabi ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na kinikilala niya ang karapatan ng Pilipinas ngunit mas pabor siya sa negosasyon sapagkat walang kakayahan ang bansa upang makipagdigmaan sa Tsina o i-“exploit” ang nasabing lugar.
Aminado si Enrile na may karapatan ang Pilipinas sa pinagtatalunang teritoryo pero mayroon ding ibang bansa na nagsasabing sa kanila ang teritoryo.
Sa kasalukuyan, naniniwala si Enrile na maaaring mahantong ang pakikipagtalo ng Pilipinas at sa Tsina sa giyera o sa pakikipag-usap.
Ipinaliwanag pa ni Enrile na dalawa lamang ang maaring gawin ng Pilipinas, ang makipag-giyera o ang makipag-negosasyon.
- Latest