^

Bansa

Pinas kasama pa rin sa IMO ‘white list’

Pilipino Star Ngayon
Pinas kasama pa rin sa IMO ‘white list’
Ang tinatawag na “White List” ay tumutukoy sa mga nakumpirma ng IMO Maritime Safety Committee (MSC) na communicated information na nagpapakita ng buo at kumpletong epekto na ibinibigay sa mahalagang probisyon ng STCW.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Kasama pa rin sa listahan ng International Maritime Organization (IMO) at compliant sa International Convention on the Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW Convention )  ang Pilipinas.

Ang tinatawag na “White List”  ay tumutukoy sa mga nakumpirma ng IMO Maritime Safety Committee (MSC) na communicated information na nagpapakita ng buo at kumpletong epekto na ibinibigay sa mahalagang probisyon ng  STCW.

Patunay umano dito na sumusunod ang Pilipinas ay ang MSC Circular noong Disyembre 14, 2018 kung saan kasama ang bansa sa listahan ng STCW-compliant parties.

Dahil dito kaya mariing itinanggi ng Department of Transportation (DOTr) at Maritime Industry Authority (MARINA) ang ulat na inalis sa listahan ang Pilipinas mula sa IMO White list ng walang sapat na basehan.

Pinag-iingat naman ng DOTr at MARINA ang pubiko laban sa mga nagpapakalat ng maling balita na magdudulot ng panic sa mahigit 400,000 seafarers at kanilang mga pamilya.

Bilang patunay ay dadalo ang MARINA sa sixth session ng IMO’s Sub-Committee on HTW ?sa Abril 29 hanggang ?May 3, 2019 sa London, United Kingdom bilang bahagi ng Philippine delegation para mapanatili ang posisyon ng bansa sa White List.

INTERNATIONAL MARITIME ORGANIZATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with