MWSS, water concessionaires sinabon; Kontrata nanganganib
MANILA, Philippines — Nabulyawan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System kasama ang dalawang pribadong kumpanya ng tubig bunsod ng krisis na tumama sa ilang bahagi ng Kamaynilaan at Rizal.
Sa kanilang 40-minutong pulong nitong Martes, nagbabala si Digong na sisisantihin ang ilang opisyal ng MWSS at kanselahin ang kontrata ng water concessionaires.
"The chief executive bluntly told them to 'shape up or ship out,'" sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo sa isang pahayag Miyerkules ng umaga.
(Sabi ng chief executive, umayos sila o umalis.)
Tumanggi naman daw ang pangulo na pakinggan ang paliwanag ng mga opisyal ng Maynilad at Manila Water tungkol sa kulang hanggang walang suplay ng tubig.
"The chief executive told them he was not going to listen to their explanation as to why there was a water shortage as such would be just plain excuses. They simply did not do their job. 'All they care about is get profit from the water of the people' and to their sufferance as well," dagdag ni Panelo.
(Sabi sa kanila ng chief executive, hindi siya makikinig sa kanilang paliwanag tungkol sa kakulangan ng tubig dahil magpapalusot lang sila. Talagang hindi nila ginawa ang trabaho nila. 'Ang gusto nila kumita mula sa tubig ng taumbayan' at kanilang pagdurusa.)
Dagdag ni Panelo, sinabi raw ng pangulo na napaghandaan na raw sana nila ang kakulangan at nang nagawan agad ng paraan.
"They had to wait for him to threaten them with personally rushing to Manila from Davao to grapple with the crisis before they moved to end it," wika ng tagapagsalita.
(Hininay pa nila na personal silang takutin, napuntahan sila sa Maynila mula Davao bago kumilos para tapusin ito.)
Matatandaang bahagyang isinisi ng Manila Water ang water shortage sa pag-iimbak ng tubig ng publiko bilang tugon sa nakaambang kakulangan.
Aniya, hindi nakatulong ang pagtaas ng demand sa gitna ng kaonting suplay sa East Zone.
Ang Maynilad naman, agad naapula ng ang problema sa tubig bagama't nagkaroon ng saglit na aberya sa suplay.
Nag-ooperate ang nasabing kumpanya sa West Zone consession area.
Kumbinsido naman raw si Duterte na alam ng mga opisyal ang paparating na problema pero "sadyang hindi gumawa ng paraan para maiwasan ito."
"The president expressed his evident displeasure by saying that he hoped that at the end of the day the water crisis was not just a matter of common sense."
(Umaasa ang presidente na labas sa isyu ng common sense ang krisis sa tubig.)
Pinagsusumite ng ulat
Tinawag na "presidential monologue" ni Panelo ang meeting.
Agad naman daw niyang tinapos ang pulong at inatasan ang mga opisyal na magsumite ng report tungkol sa shortage bago ang ika-7 ng Abril.
Pagkatapos daw nito, tska na raw niya pag-iisipan kung may pananagutin o kung kakanselahin na ang kontrata ng mga concessionaire.
"The president reiterated that he is constitutionally tasked to serve and protect the citizenry, and he will not equivocate to take swift and drastic actions to secure the people from discomfort and shield them from suffering, regardless of the dire consequences to the players of the water industry," sabi ni Panelo.
(Idiniin ng presidente na inaatasan siya ng Saligang Baas para paglingkuran at protektahan ang mamamayan, at hindi raw siya magdadalawang-isip na gumawa ng agarang aksyon para iligtas ang mga tao mula sa pagdurusa, gaano man kabigat ang parusa sa mga player ng water industry.)
Humingi na ng tawad ang Manila Water para sa service interruption sa Metro Manila at probinsya ng Rizal at nangakong maghatid ng agarang tulong sa mga apektadong lugar.
- Latest