^

Bansa

Mas malawak na ‘cheaper medicine law’ target ni Mar

Pilipino Star Ngayon
Mas malawak na ‘cheaper  medicine law’ target ni Mar
Ayon kay Roxas, bago mamatay sa cancer ang kanyang nakababatang kapatid, inalagaan niya ito ospital kaya personal niyang nalaman ang mataas na presyo ng mga gamot.

MANILA, Philippines — Mas maraming gamot, lalo na ang mga maintenace medicines, ang isasama ni former senator Mar Roxas sa kanyang mga priority legislation, kapag nabigyan siya ng isa pang pagkakataon na makabalik sa Senado.

Ayon kay Roxas, bago mamatay sa cancer ang kanyang nakababatang kapatid, inalagaan niya ito ospital kaya personal niyang nalaman ang mataas na presyo ng  mga gamot.

Sinabi ni Roxas na kung ang mga katulad ng kanyang pamilya na kahit paano’y may kakayahang bumili gamot ay nagulat sa mataas na presyo nito, mas lalo na marahil ang mga pangkaraniwang mamamayan.

Ito umano ang nagtulak kay Roxas na isulong at sikaping maging batas ang Universally Accessible and Cheaper Quality Medicines Law noong 2008 na nagbigay daan sa generic na gamot at mga murang  maintenance medicines.

Ang generic medicines ay dati lamang makikita sa India subalit naging bahagi na ito ng pharmaceutical industry sa bansa nang isabatas ni Roxas ang pagpapaba sa presyo ng mga gamot.

CHEAPER MEDICINE LAW

MAR ROXAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with