Sotto hinamon ng House solon
MANILA, Philippines — Hinamon ng isang lider ng Kamara si Senate President Tito Sotto na atasan ang kanyang mga kasama sa Senado sa ngalan ng transparency na i-itemize at ibigay ang breakdown ng kanilang umano’y P75 bilyon “post-bicam realignment” sa ilalim ng 2019 P3.757 trillion national budget.
Sinabi ni House Deputy Minority leader at Coop-NATCCO partylist Rep. Anthony Bravo, miyembro ng bicameral conference committee, na hindi magandang tingnan kung babalewalain ni Sotto ang transparency sa kanyang liderato.
Giit pa ni Bravo na bigo rin ang mga senador na i-identify ang kanilang sarili bilang may akda ng mga infrastructure projects na nagkakahalaga ng P21 bilyon sa ilalim ng national budget kaya may maling impormasyon na nakakarating sa Senate president.
Ibinunyag ni Camarines Sur. Rep. Rolando Andaya Jr., chairman ng House Committee on appropriations na may ginawa ang Senado na post-bicam realignment na nagkakahalaga ng P75-bilyon.
Tanong ni Andaya, kung ang post-bicam itemization ng lump-sum budget ng Kamara ay unconstitutional o irregular, ano naman ang post-bicam realignment ng Senado na nagkakahalaga ng P75 billion sa national budget.
Kaya giit ni Bravo, ang mga senador naman ang magpaliwanag sa publiko ng P75 bilyon realignment na ginawa ng Senado.
- Latest