MM lulubog sa baha - DILG usec.
‘Pag natuloy ang Mla Bay reclamation
MANILA, Philippines — Handang magbitiw sa puwesto si DILG Undersecretary Epimaco Densing III kapag natuloy ang ‘reclamation projects’ sa Manila Bay.
Naniniwala si Densing, na lalong lulubog sa baha ang Metro Manila kapag tinabunan ng lupa ang Manila Bay.
“Napakasimple lang ng explanation n’yan. ‘Pag ang baso ng tubig nilagyan mo ng ice, tataas ang tubig. Magbabaha ang Metro Manila dahil sa reclamation na iyan,” sabi ni Densing.
Aniya, hindi na siya kailangan na manatili sa kanyang posisyon kung magkaiba sila ng pananaw ni Pangulong Duterte hinggil sa isinusulong ng iba sa Manila Bay reclamation.
“Knowing the President... ‘pag ang isang proyekto ay di nakabubuti sa taumbayan, wala nang isip-isip ‘yan no,” pahayag pa ni Densing.
Ang reclamation sa Manila Bay ay lumutang at naging mainit ang usap-usapan matapos pasimulan noong Enero 27, 2019 ang cleanup sa paligid ng Manila Bay.
Limang malalaking kumpanya ang humihiling at nagtutulak sa gobyerno para aprubahan ng reclamation sa 1,854 hectar mula sa Pasay hanggang sa Tondo Maynila.
Mula ng linisin ang baybayin ng Manila Bay ay unti-unti ng gumaganda ang tubig sa karagatan pero pinagbabawal pa rin ng pamahalaan ang maligo dito bunsod ng mataas pang “fecal coliform content”.
Ang rehabilitation ng Manila Bay ay magtatagal pa ng taon at gagastusan ng P47 billion.
- Latest