Benjamin Diokno ipapatawag pa rin ng Kamara
MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagkakatalaga kay Secretary Benjamin Diokno bilang bagong Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) governor, ipapatawag pa rin siya ng Kamara para sagutin ang kontrobersiya sa umano’y insertion sa 2019 National Budget.
Ayon kay House Minority leader Danilo Suarez, nakakalungkot na naitalaga na sa ibang puwesto si Diokno gayung may pending issue pa siya sa Kamara at wala pang closure rito.
Giit ni Suarez, sasamantalahin niya ang mga huling buwan ng kanyang termino para tapusin ang pagdinig ng House Committee on Public Accounts at kung kinakailangan ay ipapatawag nila si Diokno para masagot ang katanungan ng mga kongresista tungkol sa umano’y insertion sa pambansang pondo.
Nilinaw naman ni House Committee on Banks and Financial and Financial Intermediaries chairman Rep. Henry Ong na hindi pa rin ligtas si Diokno sa pagtatanong ng mga kongresista kapag sumalang siya sa pagdinig ng makapangyarihang Commission on Appointments.
- Latest