PhilHealth law para sa PWD pirmado na
MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Dutete ang batas para sa mandatory coverage ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ng mga taong may kapansanan o persons with disabilities (PWDs).
Kahapon inilabas ng Malacañang ang kopya ng Republic Act 11228 na pinirmahan nitong February 22.
Sa ilalim ng bagong batas, ang premium contributions ng PWDs ay babayaran na ng national government puwera na lamang ang mga PWDs na binabayaran ng kanilang mga employer.
Magmumula sa makokolekta sa sin tax ang pagkukunan ng gobyerno para pambayad sa premium ng mga PWDs.
Magugunita na kamakailan lamang ay nilagdaan din ni Pangulong Duterte ang Universal Health Care Act.
- Latest