^

Bansa

'800 pamilya sa Hacienda Luisita palalayasin'

James Relativo - Pilipino Star Ngayon
'800 pamilya sa Hacienda Luisita palalayasin'
Kung hindi raw aalis, posibleng sampahan ng kasong legal ng CAT ang mga magbubukid at residente.
File

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pahayag ng Department of Agrarian Reform na magpapamahagi ng lupa sa Hacienda Luisita sa Marso, nangangamba ngayon ang ilang residente na mapatatalsik sila sa naturang lupain.

Ayon sa Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura, naghain na raw ng notice of eviction ang Central Azucarera de Tarlac laban sa mga residente ng barangay Central noong ika-18 ng Pebrero.

"It stated that it already needed the said properties and gave those affected 60 days to vacate it and to demolish their dwellings and any other improvements in it ," sabi ng UMA sa isang pahayag.

Kung hindi raw aalis, posibleng sampahan ng kasong legal ng CAT ang mga magbubukid at residente.

Umaabot na raw sa 50 taong naninirahan ang ilang residente sa barangay Central habang marami sa kanila ang nagtratrabaho sa asukarera.

Pagmamay-ari ang CAT ni Martin Lorenzo kasama ng pamilya Cojuanco-Aquino.

"Barangay Central’s [chairman] Jake Torres, acting on behalf of the Lorenzos – Aquinos – Cojuangcos is offering each family P20,000 compensation if they would voluntarily vacate their homes and dismantle these," dagdag ng statement.

Bagama't nagpakita na raw ng tatlong titulo sa naturang lugar, aabot daw sa 373.909 ektarya ang agricultural lands na hawak ng CAT ayon sa pananaliksik ng UMA. Maliban pa raw ito sa dagdag na 382.5451 ektarya sa ilalim ng subsidiary na Luisita Land Corp.

Aabot lang sa 48.6 ektaryang lupain labas sa negosyo at operasyon ng CAT ang kanilang idineklara sa Securities and Exchange Commission.

"Most probably this is where the 800 families are to be evicted from. It also claims that LLC has only 202.19 hectares."

Kwinekwestyon din ngayon ng grupo ang diumano'y "pananahimik" ng DAR sa pagbebenta ng CAT sa 290 ektarya ng barangay Central sa Ayala Land Inc. isang taon na ang nakalilipas.

'Luisita ipamamahagi na'

Noong Pebrero, matatadaang sinabi ng DAR na matatapos ang pamamahagi ng lupa sa Hacienda Luisita Marso ngayong 2019.

"Yes, the farmers will finally have it. The formal rites will be conducted in March 2019 with President [Rodrigo Duterte]. It will be along with other beneficiaries in Region 3," ayon kay DAR Secretary John Castriciones.

Aniya, ibibigay daw ito sa 546 na farmer beneficiaries.

Kontrobersyal ang naturang lupain ng pamilya ng dating Pangulong Benigno Aquino III dahil sa nangyaring pagkakapatay sa mga magsasaka sa kalagitnaan ng welga ng mga magbubukid noong 2004.

Nangyari ang naturang protesta dahil sa paggigiit nilang madagdagan ang P9.50 kada linggo sa sahod, benepisyo at panawagang maipamahagi ang lupa.

Pito ang namatay sa dispersal ng mga magbubukid.

“Ito na po yung pinakahuli na portion ng Hacienda Luisita na hindi pa napamimigay. At ngayon po sa administrasyon na to ipapamigay na ang lupa sa Barangay Bantog," sabi ni Castriciones sa isang press conference noong ika-13 ng Pebrero.

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

EVICTION

HACIENDA LUISITA

UNYON NG MGA MANGGAGAWA SA AGRIKULTURA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with