^

Bansa

Casual workers sa DepEd ayudahan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Casual workers sa DepEd ayudahan
Ayon kay Belaro, karamihan sa mga janitor, utility personnel, volunteer teachers at security guard sa mga eskuwelahan ay hindi regular sa trabaho kaya wala silang health care benefits.
1- Ang Edukasyon Party- list Facebook Facebook

MANILA, Philippines — Umapela si 1-Ang Edukasyon Party-list Rep. Salvador Belaro sa Department of Education (DepEd) na tulungan ang mga casual worker sa mga pampublikong paaralan para ma-enroll sa PhilHealth.

Ayon kay Belaro, karamihan sa mga janitor, utility personnel, volunteer teachers at security guard sa mga eskuwelahan ay hindi regular sa trabaho kaya wala silang health care benefits.

Dahilan dito kaya dapat ay awtomatiko na silang sakop ng PhilHealth sa ilalim ng bagong batas na Universal Health Care Law.

Maraming casual employees ang nagsisilbi na sa loob ng ilang taon subalit wala pa ring tinatanggap na benepisyong pangkalusugan at disenteng sahod kaya malaking tulong ang nasabing batas na kailan lang ay nilagdaan ni Pangulong Duterte.

Bagama’t magkakaroon umano ng kaibahan sa pagitan ng mga miyembrong nagbabayad ng kontribusyon kada buwan at mga walang binabayaran, ang importante ay lahat ng Pilipino ang makikinabang sa Universal Health Law.

SALVADOR BELARO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with