^

Bansa

Poe 'di tatakbong pangulo sa 2022, nabigyan na raw ng pagkakataon

Associated Press
Poe 'di tatakbong pangulo sa 2022, nabigyan na raw ng pagkakataon
Dati nang kumandidato si Se. Grace Poe sa pagkapangulo noong 2016 national elections ngunit nagtapos lamang sa ikatlong pwesto matapos manalo ni Digong.
File

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ni Sen. Grace Poe ang mga ugong-ugong na may plano siyang tumakbo sa pagkapangulo sa 2022.

'Yan ang sagot ng senadora sa mga tanong matapos sabihin ni Davao City Mayor Sara Duterte na 'di niya iniisantabi ang pagsunod sa yapak ng amang si Pangulong
Rodrigo Duterte.

Aniya, sinubukan na niya ito noon ngunit hindi pinalad.

“Alam mo siguro nakalipas na ‘yon, sapagkat nabigyan na ako ng pagkakataon," sabi ni Poe sa isang panayam noong Lunes habang bumibisita sa Obrero Public Market sa Maynila.

Dati nang kumandidato si Poe sa pagkapangulo noong 2016 national elections ngunit nagtapos lamang sa ikatlong pwesto matapos manalo ni Digong. Nauwi naman sa ikalawang pwesto si dating Sen. Mar Roxas sa naturang presidential race.

"Marami naman diyang puwede na maaaring i-konsidera ng ating mga kababayan; kahit naman sa Senado marami rin naman tayong puwedeng maitulong," sabi ni Poe.

Muling tatakbo sa pagkasenador sa kanyang ikalawang termino si Poe sa 2019 midterm elections.

Matatandaang sumabak din noon sa presidential elections ang ama niyang si Fernando Poe Jr. taong 2004. — James Relativo

vuukle comment

2019 MIDTERM ELECTIONS

GRACE POE

PRESIDENTIAL RACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with